Mahal pa rin kita
''May regalo nga pala ako sayo, kunin natin sa condo''
Sabi ko habang nasa kotse kami. Nagtalo pa kami kanina kung sino ang mamaneho, mabuti na lang at pumayag siyang ako dahil baka saan niya pa ako dalhin at masira ang surprise. Ang sabi niya ay mamaya na lang daw, kumain daw muna kami sa labas pero baka may maka-kilala pa sa aming dalawa.
''Hindi naman kailangan, nandito ka na, okay na yun'' he said.
Ang kaswal pa rin nang pagkakasabi niya habang ako naman ay natataranta sa kaloob-looban ko. Iniba ko na lang ang usapan para hindi ko na mapansin ang mga paru-paro sa tiyan ko.
''Bakit ka nga pala nakabihis? Aalis ka? Asan sila Cia?'' I asked.
''Hindi ko alam kung saan sila pumunta'' sagot niya.
''So bakit ka nga aalis?'' I asked again.
''Uhm'' sabi niya.
''Hmm?'' sabi ko at bumaling sa kanya.
Nagkatitigan kami pero agad din siyang umiwas at bumaling sa bintana. Bumaling naman ulit din ako sa kalsada pero hinihintay ko pa rin ang sagot niya.
''Susundan kasi kita'' nahihiyang sambit niya.
Nabigla ako doon pero hindi ko na lang pinahalata ang ginawang awkward ang sitwasyon. Humigpit ang hawak ko sa manebela at itinuon na lang ang atensyon sa harap. Kanina pa ako nagpipigil na ngumiti, kaya ko pa naman. Narinig ko ang mahinang halakhak niya pero hindi ko pinansin.
Naghiram na lang ako ng powerbank sa kanya para maiba ang ihip ng hangin. Dahil naka connect ang phone sa sasakyan ay nakita ang caller id nang may tumawag. Bumaling ako kay Jace na tumagal ang titig doon at masama ang tingin. Natawa ako dahil sa reaksyon niya sa akin siya napabaling. Hindi ko sinagot ang tawag ni Bry pero nang kalimang tawag na ay si Jace na mismo ang ang nagsabing sagutin ko
''Baka importante'' he said.
Nagkibit-balikat ako bago sinagot iyon.
''Bry'' una kong sabi.
[Asan ka? Bakit ka umalis? Hindi mo man lang in-explain ng mabuti, agad-agad kang umalis] he said. Nakita kong umirap si Jace kaya natawa ako. Mabuti na lang at nasa stop light kami.
''May importanteng lakad lang, pasensya na, Bry! Mag-usap na lang tayo bukas.'' minamadali ko na matapos ang tawag.
[Ano bang lakad na yan?] he asked again. Ang kulit ah! Sabing bukas na lang eh, kinakabahan na ako sa reaksyon nang katabi ko kaya hindi ko na magawang tignan.
''Basta bye sige na'' sabi ko.
[Bye love yo-] naputol ka agad dahil pinutol ni Jace. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero mali pala ako.
''Ganun ba talaga yun? Napaka-bossy'' he said.
''Yeah'' sagot ko.
''And it's okay with you?'' he asked.
''Oo naman, well nakakainis minsan pero concerned lang naman siya. And I accept each and everyone of my friends, kahit anong side pa yan'' I answered.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...