Chapter 39

39 0 0
                                    


Congratulations 






''Mahal pa rin kita...''




Bulong niyang hindi tumakas sa pandinig ko. Bulong niyang mas lalong nagpaiyak sa akin. Ini-angat niya ang baba ko at nagkatinginan kaming dalawa. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb niya. Gusto ko siyang itulak, gusto ko siyang pagalitan, gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang murahin! Lahat gagawin ko pero hindi ko siya kayang mahalin. Dahil bukod sa may nag mamay-ari na ng puso ko, hinding-hindi ko kayang saktan si Bella.


We're not that close but she's one of the most genuine and the kindest person in my life. Rare lang yung taong kumportable ako sa buhay ko. And I can't and will never hurt her like that. Hindi man namin napaguusapan pero kitang-kita sa mga mata niya kung gaano niya ka mahal si Abel. Nakikita ko rin iyon sa mga mata ni Abel pero ngayong tinitignan niya ako, napagtanto ko na iba pa rin pala ang mga titig na yun, iba kumpara sa titig niya sa akin.


Dahan-dahan akong kumalas sa kanya dahil parang nagu-guilty ako! Mukha namang masaya silang dalawa ah? Bumalik lang ako tapos baka masira ko sila. Ayaw ko nang ganun, ayaw kong makasira. Aalis sana ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Pumikit ako nang mariin bago bumaling sa kanya.


''Salamat pero aalis na ako'' I said.


''Sandali, hintayin natin si Be-'' pinutol ko siya. 


''Hindi, okay na ako. Hintayin mo na lang siya.  Okay naman na ako, nailabas ko na'' I said.


Nagawa ko pang ngumiti sa kanya at mag thumbs-up. Gustong-gusto ko nang umalis dahil ayaw ko nang pag-usapan pa. Hindi ko alam kung kakasya pa ba yan sa isip ko dahil sa sobrang puno na nang mga iniisip ko. Aalisin ko na sana yung kamay niya kaso biglang sumulpot ang isang van kaya napabaling kami. Bumukas ang pinto at bumungad ang nakaupong si Bella.


''Let's go'' sabi ni Bella


Bumitaw ako kay Abel at naunang naglakad papasok sa van. Pagod akong ngumiti kay Bella bago umupo sa likod niya. She really looked worried to me, nagkatinginan sila ni Abel at nagkibit-balikat naman ang lalaki. Tahimik ang biyahe namin pabalik sa hotel. Parang nahimasmasan ako at nawala ang pagkalasing ko dahil sa sinabi ni Abel. 




He looks so in love, maybe he is really in love.  Hindi niya lang alam kung anong sinasabi niya kanina, gusto niya lang pagaanin ang loob ko. Naipaalala sa akin na may nagmamahal sa akin. Ganun lang yun. Nang makarating kami sa hotel ay dumeretso iyon sa basement dahil mag-papark. Huli akong bumaba at inalalayan ako ni Abel, hindi na mukhang lasing si Bella pero hindi ko pa rin siyang magawang tignan, nahihiya kasi ako. 




''Sige, una na ako sa room. Hinahanap ako ng manager ko, maaga kasi kami bukas'' nagmamadali niyang sabi at yinakap ako. ''Please be okay, nandito si Abel para sayo'' dagdag niya. 




Pinakawalan niya ako kahit wala pa akong sinasabi at lumapit kay Abel para halikan ito at yakapin. ''Ikaw na bahala sa kanya, see you sa condo, i love you'' sabi ni Bella kay Abel.


Hinintay ko ang i love you ni Abel kay Bella pero hindi dumating. Ngumiti lang siya at hinalikan ito sa ulo. Nang pumasok si Bella ay agad siyang bumaling sa akin, masama ang tingin ko sa kanya. Nagtaka siya pero iniwan ko siya at unang naglakad. Sinundan niya ako at siya pa ang pumindot ng elevator. Pagod akong makipagtalo kaya hinayaan ko na lang siya.


''I'm really sorry. Ihahatid lang kita tapos aalis na ka agad ako'' he said. 


''Sana yung jowa mo na lang inihatid mo'' I said.




Summer LoveWhere stories live. Discover now