Chapter 10

76 8 21
                                    






Whole day






"Sorry, ang bilis ko ba?"









Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sakin at umiwas ng tingin, nahiya siguro bigla. Oo, ang bilis nga lahat ng pangyayari, but I don't mind it. Dahil kahit ako rin naman, mabilis din ang pagbabago ng nararamdaman ko para sa kanya. Isipin niyo, from inis to na mi-miss? Napangisi ako dahil sa mga naiisip ko kaya naman ay mas lalo siyang nahiya dahil akala niya pinagtatawanan ko na naman siya.









"Oo na, oo na. Lagi nalang ako pinagtatawanan eh, kahit seryoso naman ako." sabi niya.








Umiling ka agad ako sa kanya para sabihin na nagkakamali lang siya, hindi ganun, walang ganun. Baka sabihin niya ay hindi ko siya sineseryoso.








"Hindi, may iba lang na pumasok sa isip ko." sabi ko.








"Ah, okay lang yun. Basta diyan, ako lang dapat." sabi niya sabay turo sa puso ko.








I smirked, umandar na naman ang mga damoves niya. Minsan nahihiya siya pero mas madalas ang kapal ng mukha niya. Bigla nalang ako napa-hikab, inaantok na ata ako.







"Matulog ka na" sabi niya.








Pagod na rin naman ako kaya hindi ko na pinatagal pa. Sabay kaming pumasok sa dumeretso siya sa kabila kung saan ang boys tumambak, yung iba nasa sala sa baba.








"Good night, sweet dreams." sabi ko.







"Good night din, ako lang dapat laman ng panaginip mo" sabi naman niya.






Napairap ako dahil sa mga sinasabi niya. He chuckled a bit, bago niya ako tuluyan pinakawalan. Papasok na ako ng biglang may malakas na sumigaw ng binuksan ko ang pinto. Napatingin din si Jace doon, nasa sahig sina Cynthia at tsaka si Cia, mukhang na tumba nung binuksan ko ang pinto.







"Aray" sabi nilang dalawa.







"What the" sabi ko.









Nag peace sign silang dalawa sa amin bago tumayo at ngumiti ng tipid. Yung parang nahuli sa akto sa mga pinangagawa.








"Anong ginagawa niyo diyan?" I asked.







"Ah, lalabas sana kami"







"Hinihintay ka"










Bulalas ni Cia habang si Cynthia naman ay kalmadong parang natataranta. Tumawa ulit si Jace at umi-iling iling pa. Hindi ako naniniwala sa kanila kaya tinaasan ko lang sila ng kilay.







"Sige girls, matulog na kayo. goodnight" sabi niya at umalis.








Pumasok naman ako at umi-iling iling. Iniwanan ko sila sa pintuan at dumeretso sa kama kung saan naabutan ko si Emily na nakahiga at naka selpon, bored na bored.  Kasya naman kami sa kama dahil malaki ito.  Wala ni isang nag kibuan sa amin at nag paalam nalang muna ako sa kanila na mag-ccr lang ako para mag-ayos. Pagkatapos kong mag freshen up  ay naabutan ko sila sa labas na naka upo at mukhang hindi inaantok. Napatingin ako sa orasan at ala una na ng umaga.








Summer LoveWhere stories live. Discover now