Chapter 30

45 0 0
                                    





Careful



''Snacks everyone? Let's take a break first.''



Tito said when his assistant started distributed snacks. Inabutan ka agad ako ni Angge ng juice at mabilis kong nainom iyon. Nabigla nga siya sa ginawa ko kaya kumunot ang noo niya, I smiled shyly.



''Gusto niyo pa po?'' she asked.



''Haha, hindi na, salamat.'' I nervously laughed.



Tinawag ako ni Bry na nasa nakatayo sa may water despenser. Sumenyas siya na lumapit ako dahil may sasabihin siya at lumapit naman ako doon. He went closer to me to whisper something. Bigla akong nanigas at napatingin sa lalaking dapat hindi ko tinitignan. He smirked when our eyes met before he turned his gaze to my co-model beside her.



''Are you okay?'' Bry whispered.



Bumalik ang tingin ko sa kanya at ngumiti ako ng tipid bago tumango. Binigyan niya ako nang tingin na para bang hindi siya naniniwala sa akin. For the past 3 years, me and bry were always together, alam kong nababasa niya ang naiisip ko at saulado niya na ang bawat galaw ko.



''Mukha ba yan nang okay? You looked so nervous. Is it because of the Dela Rosa's?'' bulong niya, para kaming mag jowa na naglalandian dito sa gilid mabuti na lang at busy ang karamihan.



Yes, I looked so nervous because I'm really nervous. Parang anytime ay hihimatayin ako dahil sa kaba ko. It's like I'm back to my old self, yung laging kinakabahan, yung laging walang kumpyansa sa sarili. Tatlong taon na yun! Iba na ako ngayon! Ngunit ang presensya ng isang to ay pinapakaba ako.



''I'm fine.'' I said.



''Are you sure?'' Bry said and pinched my face.



Napapikit ako sa ginawa niya lalo ng may tumili. Narinig ko pa ang bulong-bulongan nila na bagay daw kami ni Bry. It's not like, it's new to me but it's just, I'm really bothered now. Napatingin din sila tito at yung daddy ni Jace sa mga tao at sa amin.



Kanina ko pa sinusubukan kumalma pero kinakabahan talaga ako. Pati puso ko ay nag-mamarathon. Kanina pa mabilis ang tibok nito at kung lalagyan mo ng speaker ay tiyak na maririnig mo.



''Can we start now, son?'' tito Bernard said, malapad pa ang ngisi.



''We'll talk about it later'' he said to me bago tumango sa ama niya.



Dahan-dahan din ako naglakad papunta sa upuan ko at umupo ng maayos. Akala ko ay ipagpapatuloy na ka agad ang meeting pero napunta pa ang usapan sa amin.



''I'm sorry guys, nagbibinata lang tong anak ko'' tito joked.



''Dad!'' saway ni Bry.



''What? There's nothing wrong with that. You seem to be perfect for each other'' tito said. ''What do you think, Jake?'' tito added.



''Is she your girlfriend hijo?'' Mr. Dela Rosa asked.



''No po'' ako ka agad ang sumagot.



''Nililigawan?'' napatingin ako kay Jace nang bigla siyang magsalita.



He raised his brows. Supladong-suplado ang dating niya kaya naman ay nainis ako. I rolled my eyes at him without think about the people around us. Bumuka pa ang bibig ko at nagtaray.



Summer LoveWhere stories live. Discover now