Sirang-sira
''Ma'am lasing na po kayo''
Sabi ng bartender. Nang wala na akong marinig na ingay mula sa pool area ay lumabas na ka agad ako at tumungo sa bar na nandito rin mismo sa loob ng hotel. Hindi ko alam kung nakailang shots na ako pero lasing na raw ako! Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako nang sobra ngayon.
''Sige na po, magbabayad naman ako eh'' sabi ko.
Wala yung bag ko dito pero hawak ko naman ang phone ko na kanina pa tumutunog. Alam ko naka unprofessional na umalis na lang ako doon bigla-bigla pero wala na akong planong bumalik ngayon. I'm a mess, sobra akong nasaktan at hindi ko na kailangan iwasan yun, haharapin ko na kahit napaka-sakit.
This is my reality, back then I fucked up so I have to deal with all the shits now. Magpapasermon na lang ako kay Lisa at Bry bukas, kayos babalik ako doon. Baka masira ko lang ang party.
I texted Angge to go to me later, at huwag na huwag niyang sasabihin kahit kanino. Tinawagan ko na rin si Cia na sunduin niya ako dahil hindi ko na kaya. Sabi niya papunta na raw siya, hindi ko lang alam kung paano siya makakarating dito eh hindi naman marunong mag maneho yun.
''Kuya, sige na.'' kulit ko sa bartender.
Wala siyang choice kundi bigyan ako. Biglang may umagaw ng baso sa kamay ko. Masama kong tinignan kung sino yung kumuha ng baso at nalaglag ang panga ko nang mapagtanto ko kung sino siya.
''Abel!'' lasing na bati ko.
''Anong ginagawa mo?'' he asked.
''Naglalasing! New year diba? New year lang, walang happy! Halika! samahan mo ako.'' sabi ko. ''Kuya, dalawang order nga para sa amin'' sabi ko sa bartender.
''Huwag na, tama na yan'' he said.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Kinuha niya ang wallet niya at inabotan ng pera ang bartender.
''Halika na'' sabi niya at sinubukang patayuin ako pero hinawi ko ang kamay niya.
''Ano bang pake mo?'' mataray na sabi ko.
''I care, Lorraine. Ever since. Please stop doing this to yourself'' madiin niyang sabi.
Makikipagtalo pa sana ako kaso nagdilim ang paningin ko. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na condo. Napaupo ako bigla kahit masakit pa ang ulo ko. Anong kagagahan ang pinasok ko? Napatingin ako sa suot ko at iba na ito. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang naka-topless na si Abel. Magmumura na sana ako kaso sumunod ang isang babae sa likod niya, may bitbit na pagkain sa tray.
''Good morning, Lor! Ipinagluto kita ng breakfast'' Bella said, my co-model.
Hindi ma proseso sa utak ko kung anong nangyari at kung ano ang nangyayari. Gusto kong magtanong pero parang naka-stapler ang bibig ko. Bago ko pa natanong ay nagsalita ulit si Bella. Ang tanging klaro lang ay si Bella ang nagpalit sa akin at hindi siya.
''Get a shirt, babe. Nakakahiya kay Lori'' sabi niya sabay baling kay Abel na nakatayo lang.
''It's Lorraine, babe'' sagot ni Abel sabay kuha ng damit sa cabinet.
Babe? Are they a thing? Ay hindi, Lorraine! Magkapatid sila, may endearment lang. Para alak lang yata yung laman ng utak ko dahil hindi ako makapagisip nang maayos. Nginitian ko lang si Bella at nagsimulang kumain. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto, maraming pictures nilang dalawa at mukhang dito silang dalawa naka-stay.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...