Chapter 15

65 7 18
                                        



Own




"Can we have a break time muna?" tanong ni Cynthia sa instructor.








Kanina pa kami practice ng practice dito kaya kahit ako ay napapagod na rin. Hindi naman kailangan maging perfect talaga eh, pero iyon din naman ang gusto nilang lahat kaya mag-tiis sila diyan.








Nasa Laguna kami ngayon, umuwi kami kahapon ng umaga at sumunod naman sila Jace at Cynthia pagkahapon. Kakatapos lang ng finals namin last week at imbes na mag bakasyon sila at kami dahil undas break na ay ibinuhos nalang namin sa pag-papractice para sa cotillion. Nahihiya tuloy ako sa kanila dahil inabala ko pa sila ngunit sila rin naman ang nag presenta para maging perfect daw ang lahat. Ayaw naman nilang mapahiya sa mismong debut.





"Thanks" I awkwardly said dahil nakatingin si Emily.








"Ang aga aga, linalangam ako" sabi ni PJ.







Binatukan naman ka agad siya ni Jace kaya nawala ang mapanukso at nakangiti niyang mukha. Napalitan ito nang pagkairita at sakit. Ang sabi ng instructor ay babalik nalang kami ulit pag nakarating na yung iba. Mabuti naman at naisip niya yun dahil hindi talaga siya masasatisfied niyan dahil kulang kami.










 Maya't-maya ay dumating din si kuya kasama ang mga pinsan ko, hindi lahat ng pinsan ko ay nandito dahil ang pupunta lang naman ngayon ay ang mga kasali sa cotillion. Sinundo sila ni kuya sa Manila, kahapon sila dumating galing New York at dumeretso sila rito dahil may practice nga. 







Sinalubong ako nila yakap at maraming tanong. It was a bit awkward for me since hindi ko naman sila ka close, yung mga ka close ko lang ay yung sa father side ko. Kay mama naman ay hindi masyado dahil galing sila sa ibang bansa. Anak sila ng kapatid ni mama who already passed away, kaya sa dad nalang nila sila naka-stay.




Umalis yata si Jace nang dumugin nila ako kaya naman nang bumitaw sila sa pagkakayakap sa akin ay ipinakilala ko na sila sa mga kaibigan ko.








"Wait, pakilala ko muna kayo sa mga friends ko" I said.







"Guys, mga pinsan ko, this is Lea, Lee and Leo" sabi ko. "And these are my friends, Cynthia, Emily, Ian, Marco, PJ and J..Jace" dagdag ko.









Nakipagkamayan naman ka agad sila. Nakita ko pa ang paghaplos ni Lee kay Jace at ni Leo kay Cynthia. Nakita ko ang pag igting ng bagang ni Drew kaya iniwas ko sila doon.







"And this is Cia" pag-ibang topic ko. "My best friend, yung kasama ko sa bahay,remember?" sabi ko.







Cia smiled at them, but it was obviously fake. Same with Lee's and Lea's smile, fake rin. Napailing nalang ako at tinawag si kuya para siya na muna ang mag-asikaso sa kanila. Pagod pa raw sila kaya bukas nalang sila mag-papractice. Nahihiya naman akong tumanggi kaya hinayaan ko nalang sila. Hinatid sila ni kuya sa bahay kaya naman kami ang naiwan dito.






"Ano yun, display?" reklamo ka agad ni Cia ng umalis sila.






"No offense, but what the fuck?" sabi naman ni Cynthia.






"Really, what the fuck" ulit naman ni Drew.





Umiling nalang ako at lumapit kay Ate Celia para sabihin na bukas nalang kami mag pa practice dahil mukhang wala nang gana ang mga to. Dahil mabait siya ay pumayag naman siya ka agad at siya nalang daw ang kakausap sa instructor.




Summer LoveWhere stories live. Discover now