Your Lips
"I have to go home"
Bungad ko sa kanya nang makita ko siya na nakaupo sa dining table niya. Bumaling siya sa akin at tinignan lang ako nang diretso. Na conscious tuloy ako sa pagmumukha ko! Nag cr naman ako bago ako lumabas ah? Mukha pa naman akong tao.
"Kumain ka muna, Love" diniin niya ang 'love'.
Para naman akong tuta na sumusunod sa amo. Lumapit ako at umupo sa harap niya. May mga naka-handang pagkain, eggs, hotdogs and bacons.
Tahimik lang kaming kumakain. Kanina ko pa siya tinitignan pero naka iwas siya. Galit ba siya? Ano bang nagawa ko?
Akala ko pa naman ay maalala ko lahat, makakalimutin din pala ako. Punyetang alak na yan!
"Kumain kana. Stop thinking nonsense" he said and rolled his eyes.
Attitude rin to eh! Ano bang nagawa ko sa kanya at kulang nalang ay sipain niya ako palabas dito.
"Ang aga aga ang sungit mo" sabi ko pero hindi niya ako pinansin.
Sinubo ko ang kinakain kong bacon. Gusto ko sanang magtanong pero mukhang badtrip siya. Naging pabigat ba ako kagabi? Kaya siguro naiinis siya sa akin ngayon.
"Magtanong ka na" biglaan niyang sabi.
Kumunot ang noo ko pero pagkatapos kong nguyain ang pagkain sa bibig ko ay nag tanong ka agad ako.
"Uhm, anong sinabi mo kay kuya?" I asked.
"I texted him, nag explain ako kaya okay lang" sagot niya.
Tumango naman ako kahit hindi siya nakatingin.
"Anything else?" masungit niya na namang tanong.
"Why so serious?" tanong ko.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...