''Are you sure you also want to go back to the Philippines?''
I asked my sister. Talaga ba siya yung tinatanong ko o ang sarili ko? Bumaling sa akin ang kapatid ko na masayang nakangiti at lumapit sa akin para yakapin ako.
''Oo nga, kuya! I miss everyone there, I'm sure you miss a lot of people there too'' she said and winked at me.
''Magiging okay ka lang ba dun?'' sabi ko.
''I'm fine now kuya. Gusto ko na rin makita si Louis kaya gusto ko ng umuwi'' sabi niya at agad niya rin tinakpan ang bibig niya.
I smirked. Looks like my baby girl is not a baby anymore. Napansin ko rin ang pagtingin niya kay Louis. Kung kaming dalawa ni Lorraine ay napalayo sa isa't-isa, ang mga kapatid naman namin ay mas napapalapit sa isa't-isa. Even the distance didn't stop them. Ayaw ko sa mga ganito but my sister is happy, hindi naman sobrang seryoso to kaya okay lang din sa akin. My sister needs a good company around here so if Louis is one of it, then fine. Besides, sa kanya rin ako nakakakuha ng balita sa Ate niya kaya okay na rin.
''Okay. But if you feel something, sasabihin mo ka agad ah'' sabi ko.
When Lorraine and I broke up, I was so lost. Sobra akong nasaktan at humina. Nawala yung taong kinakapitan ko. Uminom ako nang uminom at laging nagwawala. My friends witnessed that. I took a break in showbiz, bigla na lang ako nawala nun kaya naging issue yun. Galit ako sa mga Jones, at kay Mommy.
Hindi ko pinapansin si mommy kahit nasa isang bahay lang naman kami. I never told anyone about what the Jones did to the Reyes. Gusto ko kay Lorraine mang galing yun. Ayaw ko mang umuwi sa pamamahay na to ay wala akong magawa dahil laging may media na nasa tapat ng condo.
Ni hindi ko mahagilap si Lorraine sa social media dahil naka-deactivate siya. Nang umuwi ang kapatid kong si Jesse sa Laguna nga ay sumama ako. Umaasa rin akong makikita ko si Lorraine. Hapon nang pumunta kami sa resort. Pinapasyal ko si Jesse, nang bigla na lang lumapit sa amin si Louis. Bata pa siya kagaya ng kapatid ko at wala masyadong alam sa nangyayari kaya libre niyang sinabi sa akin na umalis na raw si Lorraine noong nakaraang buwan. Ang masakit pa doon ay kasama niya si Bryan.
Nagpaalam ako sa kapatid ko at kay Louis na magbabanyo lang ako pero ang totoo ay tumakbo ako sa dagat, doon ako dumeretso sa wala masyadong tao at nagsisisigaw. Tanggap ko naman eh, na kailangan niyang lumayo sa akin para sa pamilya niya. Mahal niya ako pero mas mahal niya ang pamilya niya at okay lang yun. Pero kasi, nakakatakot. Nakakatakot na baka mahulog siya sa lalaking yun!
''Oh'' nabigla ako nang may umabot ng beer sa akin. liningon ko kung sino yun at si Cia pala. ''I-inom na lang natin yan'' she added, diretso lang ang tingin niya sa dagat.
''Ci, umuwi ka rin pala'' sabi ko, last week kasi nag inuman pa kami.
''Kukunin ko lang ang ibang gamit ko tapos doon na ako sa tita ko'' she said.
"Ah" sabi ko.
Bakit hindi mo sinabi?'' I asked.
Malamang best friend niya yun!
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...
