Chapter 25

44 0 0
                                        





Lean


''Sinisira ko ba siya?''




Medyo tinatamaan na ako ngayon dahil pagkadating na pagkadating namin sa condo ni PJ ay uminom na ka agad ako. Hindi naman ako galit kay Jace, nag-rereply pa nga ako sa text niya kaya lang siguro may tama na ako kaya kung ano-ano na ang sinasabi ko.






''Lasing ka na, tama na yan'' saway ni Emily.






''Hindi ako lasing, I'm just drunk'' sabi ko sabay tawa.




Tahimik lang sila na umiinom at kumakain habang nakikinig sa akin. Gusto kong manahimik pero hindi ko magawa.




''Sabi ni Amelie, ako ang sisira sa pangarap niya, sa buhay niya, sa kanya.'' panimula ko.






Ngayon lang ako nag-open up sa kanila dahil sanay akong tinatago lang ang lahat nang to sa sarili ko.








''Alam ko naman yun eh, yun ang lagi kong nararamdaman sa simula pa lang. When he told me he likes me, nabigla ako, napatanong ako kung bakit ako? pero he made me feel love and special. Parang wala siyang pakaealam sa agwat ng buhay namin, doon ako nagkaroon ng pag-asa. Doon ako naniwala na ka mahal-mahal din ako at walang kwenta ang opinyon ng iba sa amin.'' sabi ko. ''Importante yung kami, na mahal namin ang isa't-isa.'' dagdag ko.






Nasa sahig ako at kasama ko si Cia, PJ tsaka Drew habang yung iba nasa couch. Linalaro ni Cynthia ang buhok ko.






''Pasensya na kayo ah, ang daldal ko'' sabi ko.




''No. bestie, we love you'' sabi ni Cia sabay yakap sa akin.




''Mahal ka ni Jace, yun ang mahalaga'' sabi ni Emily.




''Nandito lang kami para sayo, sa inyo'' sabi ni Drew.






Marami pa silang sinabi pero nakatulog ka agad ako sa sobrang kalasingan. Matagal pa naman lalabas ang movie nila, inumpisahan lang talaga nila mag promote noong summer.






May pa meet and greet pa nga siya bago mag pasukan at pumunta pa kami ni Cia dahil wala kaming magawa. Pumayag naman ako dahil matagal na ang huling kita ko sa kanya sa personal at hindi naman niya kasama si Amelie sa meet and greet na iyon.




''May we ask Jace to pick 3 girls from the fans'' sabi ng host.






Hindi ko alam kung alam niya bang nandito ako. Nasa likod lang kasi kami ni Cia. Gusto ko lang naman siyang makita at ma supportahan mula sa malayo. Nagulat ako nang biglang may naglahad ng kamay sa harap ko. Nakayuko kasi ako dahil hinahanap ko yung phone ko. Pagka-angat ko ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni Jace. He even smirked.




Siniko ako ni Cia kaya bumalik ako sa wisyo ko. Tinanggap ko ang kamay niya at naglakad kami pabalik sa harap. May dalawang babae na rin dun. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya nagulat ako nang bigyan niya ako ng mic.




''Anong gagawin?'' I mouthed.






Bago pa siya maka sagot ay tumunog na ang kanta. Mabuti naman at pamilyar ang kanta sa akin kaya nakakasabay ako. Nadi-distract lang ako tuwing naka eye to eye contact kami. Bago matapos ang kanta ay kinindatan niya ako. Alam kong namula ako kaya pagkatapos ng group photo naming tatlo na nasa harap kasama si Jace ay dumeretso ako sa banyo.


Maya't-maya ay bumukas ang pinto habang nakatingin ako sa salamin. Nabigla ako nang pumasok si Jace. He immediately went to me and kissed me.




Summer LoveWhere stories live. Discover now