Chapter 1

187 14 36
                                        










Thank you






"Mag audition kana, please!"




Pagpupumilit ni Cia sa akin. Nasa tabi kami ng dagat at nakaupo sa buhangin. Hinihintay namin ang mga ina namin na nasa bakery. May bakery kasi kami na dito naka pwesto sa loob ng resort, mula pa noong mga bata kami.






"Anong gagawin ko?" sabi ko.






May pa audition daw kasi dito sa darating na Biyernes eh. Puwedeng kumanta, sumayaw, um-acting at kung ano-ano pang talento na puwede mong ibahagi. Dito gaganapin sa resort dahil ang may-ari ng resort ay may-ari rin nang isa sa mga pinakasikat na showbiz industry dito sa Pinas at kilala rin sa ibang bansa.





"Ede kumanta ka, sumayaw o um-acting!" sabi ni Cia. "maganda kaya boses mo, magaling ka rin naman sumayaw at maruno kang umacting! alala mo noong mga bata tayo, naglalaro tayo nang mga drama drama na yan" dagdag ni Cia, dirediretso talaga yun, walang preno.








Hindi ako magaling kumanta, marunong lang. Sumasayaw lang ako kapag bored ako pero yung totoong mga dancers, anong laban ko doon? Ang acting na yan, para lang sa may mga confidence, eh yun nga ang wala ako eh.






"Ayaw ko, hindi ako interesado." sabi ko sa kanya.









"Sayang naman, magkakaroon pa sana ako ng sikat na best friend" sabi niya, tinawanan ko lang siya.









Ako? Magiging sikat? eh hindi ko nga alam kung ano gusto ko sa buhay eh, ang alam ko lang ay dapat kung bigyan ng halaga ang mga sakripisyo ng aking mga magulang at maka bawi sa kanila pagkatapos kung grumaduate.








"Lakas ng amats mo, hindi ako bagay diyan" sabi ko ulit.







Inirapan niya ako bago magsalita.






"Alam mo, lagi mo nalang dinadown yung sarili mo. May talent ka besh, maganda kapa, matalino, nasayo na lahat! konting push lang talaga ang kailangan mo" sabi niya.






Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa mga ganyan. Simpleng babae lang ako na nakatira malapit sa isla, sa gilid ng resort, gustong makapagtapos at magkatrabaho at maging masaya, ganun lang. Ganun lang talaga ang goal ko, siguro along the way may dadagdag pa na mga priorities o ano. I'll just wait for it.









"Pag-iisipan ko" hindi ko alam kung bakit yun ang sinabi ko pero bigla nalang ako yinakap ni Cia.







"OMG!! shopping tayo bukas! we need to find you an outift" na-eexcite na sabi niya.







"Narinig mo ba yung sinabi ko? Pag-iisipan ko nga diba, ba't may pa shopping ka agad?" I asked.







"Ulol! You can use the outfit naman kahit hindi kapa mag audition pero please mag audition ka, ibalita na natin to kela Mama." sabi niya sabay hila sa akin.







Habang naglalakad kami ay may isang lalaki na dumaan sa harap namin, biglang huminto si Cia at pinagmasdan ang lalaking yun. Tinignan niya pa talaga mula ulo hanggang ulo, oo tama yun.







"Huy! ang laswa mo!" saway ko sa kanya.









"Madumi isip mo, may jowa ako ngayon" sabi naman niya sa akin sabay irap at hinila na naman ako paalis. Mabuti nalang talaga at hindi kami nakita nang lalaking yun na nakatingin sa kanya.






Summer LoveWhere stories live. Discover now