Someone Special"Halika na, masasayang ang oras"
Nakatingin lang ako sa kanya mula kanina. A whole day with him? Kaming dalawa lang? Ang saya naman nun, sana hindi na matapos ang araw na to. Ngumiti ako sa kanya at nginitian niya rin ako. Masaya akong bumaba ng kotse niya at naglakad kami papasok ng mall.
Hindi kami magkahawak o ano, dahil hindi naman kami. Ngunit kahit ganun ay hindi kami malayo sa isa't-isa. Nakapunta na ako dito noon pero nakalimutan ko na ang mall na ito dahil minsan lang naman kami pumunta dito.
"Bakit dito, Jace?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Hindi naman kasi kitang puwedeng dalhin sa mga malalayo kaya dito nalang. " sabi niya. "Ayaw mo ba?" dagdag niya.
Umiling ako. "Anywhere with you." sabi ko.
I smirked when he smiled. Bigla siyang namula ng wala sa oras dahil sa sinabi ko. Hay nako, he's really in love with me. And, I think, ako rin.
Alam ko naman sa sarili ko yun eh kaso hindi ko pa naaamin. Ayaw ko lang mag madali, gusto ko lang makasigurado. Kaya dinadahan-dahan ko. But of course, ayoko rin na maramdaman niya na parang walang papupuntahan lahat ng to.
Manunuod daw kami ng movie at tsaka maglalaro ng arcades. Ang dami niya pang naiisip habang ako naman ay tanging pagkain lang ang iniisip. at siya.
"Gutom kana? Anong gusto mong kainin?" tanong niya na para bang alam niya ang iniisip ko.
"Yeah" maikling sagot ko.
Napadaan kami sa Mang Inasal at tumagal ang titig ko dun. Hindi ko alam kung kumakain ba siya diyan dahil baka puro sosyaling restaurant lang kinakainan niya o ano. Mukhang nabasa niya na naman ang isip ko.
"Kumakain ako diyan, paborito ko kaya yan. Halika na" sabi niya at hinila ako papasok.
Hindi masyadong marami ang tao dahil lumampas na sa alas dose kaya tapos na siguro kumain ang karamihan. Si Jace ang nag order para sa aming dalawa kaya nag hanap nalang ako ng pwede naming mauupuan. Pumwesto ako sa bandang likod dahil iniisip ko rin na baka may mga fangirls pa na sumulpot dito, wala pa naman siyang baon na shades.
Linapag niya ang order namin sa lamesa bago umupo. Dahil nga magkakamay ako ay naghugas muna ako ng kamay bago magsimulang kumain, pagkatapos ko ay siya naman ang sumunod para may maiiwan sa lamesa namin. Pagkatapos namin mag picture-picture at magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Linagyan ko ng chicken oil ang kanin ko dahil iyon ang paborito ko sa lahat. Masaya kaming kumakain at nag-uusap. Kinilig naman ako ng bigla niyang pinunasan ang bibig ko dahil ang dungis kong kumain, pasensya na, gutom lang ako.
"Cute" sabi niya.
"Ako lang to, in love ka naman masyado" pang-aasar ko.
Tumawa siya kaya natawa narin ako. Nakakahawa kasi. Pagkatapos naming kumain ay tumungo kami sa arcades para raw maka tayo muna kami dahil kakatapos lang namin kumain. Bumili siya ng tokens para may panglalaro kami. Una ay tumungo kami sa basketball para maglaro nito. Magkahiwalay kaming dalawa dahil nagpapataasan kami ng scores. Syempre, mas nakakashoot siya kesa sa akin.
YOU ARE READING
Summer Love
Novela JuvenilLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...