Chapter 50

53 0 0
                                    







the only one





[Asan ka na? Ikaw na lang ang wala!]




Kanina pa tawag nang tawag si Cia sa akin. Ngayon ay natataranta na siya dahil ako na lang daw ang wala. Dumaan pa kasi ako sa sementeryo kanina para dalawin si Jesse kaya na stuck ako sa traffic ngayon.




"I'm on my way" sabi ko.



[Tanginang, scam yan! Nagamit ko na yan, wala na bang bago?]she shouted. Natawa ako dahil sa sigaw niya. Kulang na lang ay sipain niya ako.




"Ibababa ko na," sabi ko.




Papunta ako ngayon sa BGC, dahil opening ng B's bakery. Pagkatapos nang ilang buwan ay napatayo na rin namin ang bagong branch ng bake shop namin dito sa Manila. Sina Architect Garcia, Architect Cruz, Engineer Pineda and Engineer Reyes ang nag tulong-tulong upang mapabilis ang pagpatayo ng Bakery shop. Oo, sina Cynthia, Emily, Drew at si Kuya ang humawak ng project na to.




Nang umuwi si kuya dito ay kinuha na siya sa kumpanya nila Cynthia. He's been working there for months already, kailangan niya kasi ng trabaho, alangan naman tumambay siya dito.




Habang nasa puntod ako kanina ni Jesse, I can't help but miss him. Noong libing kasi, iyon na din ang huli naming pagkikita. Hindi na siya ulit nagpakita pa. Ang sabi-sabi ay sumama raw siya sa kuya niya sa ibang bansa. He wants to take a break from everything.





At first I was sad and hurt but at the end I choose to understand him. Sa lahat ng tao ay dapat ako ang nakakaintindi nun. Dumaan din ako sa sitwasyon na yun kaya naiintindihan ko kung bakit siya lumayo. Isa pa, ako ang humingi na lumayo siya, pinagbigyan niya lang naman ako. I tried to focus on other things, kagaya nitong Bakery.








But sometimes I can't help to think of him, I secretly messaged him from time to time to at least check on him. Hindi niya rin naman sineseen at hindi rin siya nag-rereply kahit saan. Okay lang at least alam niyang nandito pa rin ako para sa kanya. And I also invited him for today, kahit alam kong wala siya dito.








Secretly kasi alam kong hindi magugustohan ni Bry. Oo, kami pa rin, pero wala pa rin akong nararamdaman para sa kanya. Pagkatapos namin mag paalam ni Jace sa isa't-isa noong araw na yun ay nakipagkita ako kay Bry. Akala ko ay magagalit siya pero hindi, hindi na namin pinagusapan yun, kahit kailan. Nasasayangan nga ako sa friendship namin dahil alam kong nawala na yun. Ni hindi na ako maka open up sa kanya o ano. Imbes na maging open ako sa kanya dahil 'boyfriend' ko raw siya pero hindi eh, we're like completely stranger now. Hindi ko alam kung nararamdaman niya rin ba yun.







Nagsisisi ako dahil pinasok ko to. I want to be out but I can't. Hindi ko magawa dahil marami ang nakabantay sa amin, marami ang nakatingin, parang lahat sila ay may nasasabi. Para namang may ambag sila sa buhay ko. Ayaw ko siya mapahiya kaya nanahimik na lang muna ako. Ayaw ko lang din ma stress ngayon kaya hinayaan ko na lang. I wanted to save him before but I feel like I'm loosing myself again. Ni hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon. Go with the flow na lang ako, peke narin lahat ng emosyon ko. Ewan ko. Basta iyon.







Hindi pa ako tuluyang nakalapit sa bake shop ay tanaw ko na ang mga taong nasa labas, pinaghalo ng mga bata, teens at matatanda. Marami na ka agad kahit hindi pa nabubuksan. Tanaw na tanaw ko ang mga kaibigan, pamilya, katrabaho at iba pa. Nag park ako sa gilid ng shop at agad na bumaba. Marami ka agad ang lumapit sa akin para magpapicture, na stuck na naman tuloy ako. Sa tulong nila PJ ay naka takas ka agad ako.







Summer LoveWhere stories live. Discover now