Gusto"Gutom na ako."
Kagigising ko lang at masakit ang ulo ko. Nagulat ako na nasa kama ako, hindi ko maalala kung paano ako napunta dito. Bumangon ako at dumeretso kela Cia at Cynthia na nasa lamesa, nagrereklamo na gutom.
"Good morning?" patanong ko na bati dahil hindi ako sigurado kung anong oras na.
"Morning my bestie, beshie, oo maaga pa." Cia greeted.
"Good morning! Gutom kana ba? ayaw kasi nila kumain ng breakfast sa baba dahil nakakasawa na raw kaya bumili si Ems at si Jace." sabi ni Cynthia.
Lumingon ako sa paligid, oo nga wala sila. Sila lang yung wala dito, yung mga boys kasi tulog pa. Naka kalat sila sa sahig at sofa dahil doon sila nakatulog siguro.
"Ah hindi pa naman masyado" sagot ko.
Maya't maya ay may kumatok sa pinto kaya tumayo si Cia at dumeretso doon. Bumungad sa paningin ko si Emily at tsaka si Jace na may bitbit na mga pagkain. Nang magtama ang tingin namin ni Jace ay nauna pa siyang mag-iwas kesa sakin. Dumeretso silang dalawa sa amin at inilagay ang mga pagkain.
"Morning" Jace greeted.
Hindi ko alam kung para sa akin ba yung morning niya o para kay Cia. Hindi kasi siya nakatingin sa akin o kay Cia, diretso lang yung mga mata niya sa pagkain.
"Good morning Jace, aga mong magising ah" si Cia ang bumati sa kanya.
"Morning" bulong ko naman.
At least bumati ako, sa kanya na yun kung bingi siya o ano. Bumaling siya sa akin kaya bigla akong nataranta, napatayo ako nang wala sa oras. Napatingin silang lahat sa akin.
"Anyare, girl?" Cynthia asked.
"Uhm, natatae ako" ayan lang ang excuse na pumasok sa isip ko.
Tumawa sila pwera nalang kay Jace, pinipigilan niya pa eh. Inirapan ko nalang siya at pumasok sa banyo. Nag-tagal ako sa banyo dahil bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.
"Hay self, ang daming iniisip ha" sabi ko sa sarili ko.
"Sinong kausap mo diyan?" bigla akong napatalon dahil sumulpot pabigla-bigla itong si Jace.
Hindi ako sumagot at naghilamos nalang. Pagkatapos kong tignan kung okay na ang itsura ko ay lumabas ako, nakasandal lang siya sa gilid. Nang matama ang mga mata namin ulit at ngayon ay wala nang umiwas sa amin.
"Chismoso mo" sabi ko sabay irap.
He smirked at me and didn't say anything, even one word. Dumeretso lang siya sa loob nang banyo at isinara ito. Nainis ako kaya nakasimangot ako nang bumalik ako kela Cia, gising na rin ang ibang boys, si Drew nalang yung tulog mantika.
"Asan si Jace?" tanong ni PJ.
"Pumasok nang banyo." sagot ko.
YOU ARE READING
Summer Love
Ficção AdolescenteLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...