I love you''I really can't believe your mine''
Bulong ni Jace na narinig ko parin. Nakaupo kaming dalawa sa gilid habang ang mga bisita ko ay abala sa pag-iinom, pag-sasayaw at pagtatawanan at yung iba ay naliligo. Tanaw na tanaw naming dalawa ang Buwan sa itaas. Kanina pa ako naka-ngiti, abot hanggang langit.
''Well, I'm already yours'' sabi ko.
Nanatili kaming dalawa na ganito ang pwesto. Magkahawak ang aming mga kamay habang nakatingin sa buwan. I was smiling the whole time, ang saya saya sa feeling.
"Asan na kaya ang best friend ko?"
Kung hindi pa nagparinig si Cia ay hindi kami tumayo at umalis doon. Lumapit kami sa kanila at yinakap kami nila. Wala na si kuya doon, siguro nasa mga friends na niya.
"I'm happy for you! Nakakatawa reaction ng kuya mo, promise!" lasing na sabi ni Cia.
Bukas ko nalang kakausapin si kuya pati narin sila mama. Bago naman ako nag desisyon kanina ay pinagisipan ko rin naman ng mabuti. Naghanap pa ako ng signs, at lahat nang iyon ay nakuha ko sa mga mensahe nila sa akin kanina.
Jace is already drinking with the boys habang kami naman nila Cia ay umupo sa couch dahil natutumba na sila sa kalasingan. Pagod narin ako at gusto ko nang umakyat sa kwarto namin pero hindi ko naman puwedeng iwan mga bisita ko.
Alas dos na nang matapos ang party. Kahit ganun ay hindi parin ako maka-akyat dahil hinihintay ko na umalis silang lahat. Mabuti nalang at hindi ako lasing dahil baka magising nalang ako nasa pool na ako.
''Umakyat na kayo, ako na bahala dito.'' biglang nagsalita si kuya.
''Sure ka?'' I asked.
''Oo, tulog na si Cia dun, i-akyat niyo na'' sabi ni kuya.
Liningon ko sila at nakatulog na nga si Cia. Nakapikit narin yung iba sa kanila habang si Jace naman ay nakatingin lang sa akin pero mukhang inaantok na rin. Umiwas ka agad ako at bumaling kay kuya.
''Sige na, just make sure magkaiba kayo ng kwarto'' he said.
''kuya!'' sabi ko sabay hampas sa kanya.
Tumawa lang siya at umalis din ka agad at inasikaso ang ibang bisita at ang mga kasama niya. Naglakad ako papunta kela Jace at yinaya sila na umakyat na. Tinulungan ni Emily at Drew si Cynthia habang si PJ at Jace naman ay tinulungan si Cia. Nakasunod lang sa amin si Marco at Ian. Nang makapasok kami sa loob ng suite, bigla kong naalala na ang gamit pala namin ni Cia ay nasa kabilang kwarto.
''Kunin ko lang gamit namin sa kabila'' sabi ko.
''Samahan na kita'' sabi ni Jace.
Tumango naman ako. Hinubad niya ang tuxedo niya at ipinatong sa upuan bago kami lumabas dalawa. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa kwarto nila Lee. Kumatok ako at bumukas din agad ito, si Lee.
![](https://img.wattpad.com/cover/248716782-288-k146987.jpg)
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...