Baby
"Matagal pa ba?"
Kanina pa ako tanong nang tanong habang nasa kotse kami ni Bryan. Kinapalan ko na ang mukha ko dahil kailangan kong makarating ng Laguna. I tried calling kuya pero siguro nasa byahe sila ni Cia.
"Kumalma ka, hindi ko naman puwedeng paliparin to" sagot niya sa akin.
Hindi ko alam kung naiinis ba siya o ano kaya naman tinikom ko na lang ang bibig ko. Hindi ako nakatulog buong byahe dahil sa pag-alala.
Nang makapark si Bryan sa harap ng precinto ay agad naman akong tumakbo palabas at pumasok sa loob ng precinto. Hindi na ako nahirapan para hanapin si Mama dahil nakita ko ka agad siya pero bakit mag-isa lang siya?
"Ma!" tawag ko.
Nabigla siya pero nagawa niya pa rin ako yakapin pabalik. Nakapang-bahay lang siya at halatang-halata na wala siyang tulog.
''Okay lang po ba kayo? Nahuli ba? Paano nangyari? Nasaan sina Lola?'' dire-diretsong tanong ko.
''Okay lang ako. Hindi pa, hindi ko alam, wala naman pala silang ninakaw sa bahay, nanggulo lang'' sagot niya. ''Inatake si mama kaya nasa hospital sila, ang papa mo naman ay wala sa bahay dahil pagkauwi namin kagabi ay dumeretso na siya sa trabaho nila dahil malayo yun.'' Mama said.
I can't believe it, kasama ko lang sila kahapon dahil birthday ko tapos ganito na ngayon. Akala ko ay wala nang mas matinding problema sa nangyari kagabi sa amin ni Jace tapos ito na naman ngayon. Walang katapusang birthday gift naman to!
''Okay na ba si Lola?'' I asked.
''Sabi ng ninang mo, medyo mabuti-buti na raw ang pakiramdam'' she said.
''Anong oras po nangyari to?'' I asked.
''Kaninang madaling araw. Hindi ko kayo ma kontak, mabuti na lang at tumawag si PJ, lowbat daw kasi mga phone niyo.'' sabi ni mama. ''Magkasama na yata kayo ni Emily nun anak'' mama added.
''Uhm, hello po. May maitutulong po ba ako?'' bigla nagsalita si Bryan.
Ay oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan na siya pala ang kasama ko papunta dito. Bumaling si Mama sa kanya at nagtaka ito dahil hindi niya naman kilala.

YOU ARE READING
Summer Love
Ficção AdolescenteLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...