Chapter 12

61 8 17
                                        







So much






"Paano sila Cia? wala silang kotse at hindi pa tayo nagpaalam"








Hindi ko alam kung saan banda na kami pero ngayon ko lang naalala na hindi pala namin nasabihan sina Cia. Hindi ko narin tinanong kung sinong special na tao iyon.







"Paki-contact nalang please, sabihin mo nagka emergency ako, pwede naman natin silang daanan diyan mamaya, tambay muna sila" sabi ni Jace.






Tumango naman ako at kinuha ang selpon ko para tawagan si Cia. Agad niya itong sinagot at nagtataka pa siya kung bakit daw ako tumawag eh nandun lang daw kami.





[Oh, bat napatawag ka, parang ang layo mo naman] bungad niya.






"Ang layo naman na namin talaga sis" sabi ko.






[Ha? Saan kayo nagpunta?] sumigaw siya kaya narinig ko ang boses ni PJ na nang-uusisa.






"Nagka-emergency kasi si Jace kaya kailangan umalis agad, susunduin na lang daw namin kayo mamaya" sabi ko.






Narinig ko pa ang mga tukso nila ni PJ na akala mo naman ay tumakas kaming dalawa ni Jace. Umiling-iling nalang ako at nakitawa sa kanya bago ibinaba ang tawag.






"Ano raw sabi?" he asked.






"Text text nalang raw" sabi ko.








Tumango naman siya at hindi sumagot. Nanatili ang mga tingin niya sa harap pero mukhang ang layo naman ang iniisip niya. Gusto ko sana siyang tanungin pero mamaya nalang pag nakarating na kami sa kung saan niya man balak kaming pumunta.







Lumiko kami sa isang village, at lumiko ulit sa isang street na ang pangalan ay "Dela Rosa Street". Huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba ka agad siya at umikot para pag buksan ako. Hindi ko na kailangan tanungin pa dahil alam ko naman na sa kanila ang bahay na to.



"Halika" sabi niya.





Sumunod ako sa kanya at pinagbuksan kami ng isang guard na lalaki. Binati niya si Jace at ako at binati rin namin siya.





"Hindi niyo na po papapasukin kotse niyo?" tanong ni kuya guard.





"Hindi na, aalis din kami mamaya." sagot niya.







Pangiti-ngiti lang ako dahil nahihiya ako. Nawala lang ang ngiti ko nang nasa pinto na kami at papasok na sana. Natigilan ako nang bigla kong naalala ang mommy niya. Liningon ako ni Jace at mukhang na basa niya ang isip ko kaya naman lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Nabigla ako pero hindi ko iyon ipinahalata.





"Wala si mom, halika na" sabi niya at hinila na ako papasok.





Nakahinga rin ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Dumeretso kami sa taas at hindi ko alam kung anong gagawin. Kanina pa ako sunod ng sunod dito. Pumasok kami sa isang kwarto at bumungad sa akin ang isang batang babae na sinusubuan ng isang matandang babae ng pagkain. Pinipilit niyang kumain ito pero ayaw na niya at mukhang paiyak na.






Summer LoveWhere stories live. Discover now