Hindi ko kaya''Maligayang pasko sa inyong lahat''
Bati ng pari sa simbahan. Kakatapos lang ng simbang gabi at ngayon ay pasko na. Umuwi rin kami ka agad dito sa Laguna pagkatapos ng christmas party namin nila Jace. Lagi kaming gumigising ng maaga para dumalo sa misa, walang imik naman si kuya at Cia, parang may mga sariling mundo. Malaki na naman sila kaya hindi ko na pinapansin.
Pagkatapos ng mga batian ay umuwi rin kami sa bahay, naging abala sina mama at ninang buong araw sa paghahanda dahil kahit kami kami lang ang nasa bahay ay naghahanda parin naman kami. Tumutulong naman kami pero mas dalas kami ang inuutusan na bumili nang ganito, ganyan.
Natulog lang ako pagkatapos kong kumain ng lunch, nagising nalang ako dahil narinig kong nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ka agad at sinagot iyon nang makita na si Jace iyon. Video call pa nga, kakagising ko lang eh!
[Happy Monthsary and Merry Christmas, Love] bungad niya.
Hindi pa ka agad ako naka sagot dahil umupo pa ako at isinandal ang ulo sa headboard.
[Nagising ba kita, hala sorry] sabi niya.
''Hindi, okay lang. Happy Monthsary and Merry Christmas din'' sabi ko.
Nasa labas yata siya dahil maingay at nakapang-bihis siya.
[I miss you! Nasa labas ako, may mga bisita kasi] pag-eexplain niya.
''I miss you too'' sagot ko.
Nagkamustahan lang kaming dalawa hanggang sa tawagin ako nila mama. Pinatay ko rin naman ka agad dahil magbibihis pa ako. Masaya kaming kumakain ng hapunan kagaya nang lagi naming ginagawa. Medyo naka abang nga lang ako sa phone dahil nag-tetext kami ni Jace. Wala namang masyadong ganap hanggang sang New years eve na. Sabay-sabay kaming nag countdown at nag-picture picture na rin. Nag-rereply lang din ako at bumabati sa mga kakilala ko.
From: My Love
Happy New Year, My love! I love you.
Ngumiti ako bago nag-type ng reply. Tinukso pa ako ni Cia pero sinaway siya ni kuya. Okay na naman silang dalawa. Masaya ako na kahit wala akong ginagawa ay nagiging okay naman sila.
To: My Love
Happy New Year din, I love you!
From: My Love
Can I call?
Kinilig ka agad ako kaya hindi ako nakapag-reply. Napatingin ako kay kuya at Cia na umiinom na ngayon ng wine kasama sila mama. Bago pa ako makapag-reply ay tumunog na ang phone ko. Bumaling silang lahat sa akin, tinatawanan lang ako ni Cia at tinitignan ako ng iba ng mapanuksong tingin. Tumango si papa sa akin na parang hinahayaan niya akong umalis muna para sagutin ang tawag. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto at lumabas sa balcony.
''Hello'' panimula ka.
[Can't wait to see you] his voice was a bit husky.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...