Always proud
"You like my gift!"
Inulit niya pa na parang bata. Hindi natuloy ang pag handshake namin dahil natulala siya habang nakaturo sa regalo niya sa akin. Umirap ako at pagkatapos ay narinig ko ang tawa niya.
"Aminin, nagustohan mo! sinuot mo pa nga eh!" sabi niya.
Bakit napaka-kaswal niya kung makipagusap sa akin? Alam kong magkaibigan na kaming dalawa simula noong tumango ako kanina pero napakadali naman yata para sa kanya na magsalita.
Baka kasi naka move on na siya. Hindi siya kagaya ko na hindi pa rin makaalis sa nakaraan. The first time we meet again, his kinda cold to me but then after that night, Cia's birthday, lagi na lang siyang nagiging mabait sa akin. Lagi niya rin akong kinakausap.
''Gusto mo nga'' sabi niya ulit.
''Ano bang gusto mong gawin ko dito? I-display? syempre, susuotin ko!'' sabi ko.
''Akala ko ba friends na tayo? Bakit ang sungit mo?'' he asked.
''Feeling mo kasi!'' sabi ko.
''Hala siya! Ikaw na binigyan ng regalo ganyan ka pa'' he said.
''Excuse me, nagpasalamat naman ako ah? tsaka may regalo ka rin kaya'' sabi ko na pinagsisihan ko rin ka agad.
Lumaki ang ngisi niya nang nagkatinginan kami. Umirap ako at umiwas nang tingin para kunwari wala akong sinabi kanina.
''You have a gift for me?'' he asked.
Narinig naman niya, magtatanong pa!
''Bingi ka ba?'' I asked.
Humalaklak siya at napahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa kakatawa. Nang makabawi siya ay saka lang ulit siya nagsalita.
''Sungit mo talaga! O asan na gift ko?'' he asked.
''Wala!'' sabi ko.
''Huh?'' medyo napataas ang boses niya.
''Wala kasi nasa bahay! Malay ko bang makikita kita ngayon'' I said.
''Sige, tutal friends naman na tayo, akin na number mo para mai-text kita kung kailan ulit tayo magkikita!'' sabi niya.
Napatingin ako sa kanya at laglag ang panga. Really, ganoon ka dali? Kanina pa yang friends, friends na yan ah! Nakakarindi na.
''Para sa regalo!'' he added which made me more annoyed.
Umirap ulit ako! Aaminin ko, umaasa nang konti tong puso ko na dinadaan niya sa paganito pero ang totoo ay gusto niya lang akong makasama. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...