Chapter 24

50 1 0
                                        





Pasensya na, Love





''Mahal na mahal kita'' 







Panimula ni Jace bago niya ininom yung hawak niyang alak. 









''Mahal na mahal din kita'' sabi ko at uminom din.







''Alam ko'' he said. ''Alam kong nahihirapan ka kahit hindi mo man sabihin'' dagdag niya.







Hindi ako sumagot. Hihintayin kong matapos niya ang lahat nang sasabihin niya bago ako sumagot. Mukhang naintindihan niya ang katahimikan ko kaya nagpatuloy siya.







''Hindi mo man sabihin, alam kong lagi mong iniisip at ikinukumpara ang agwat nating dalawa.'' sabi niya. ''Pero, Lorraine. Hindi dapat, hindi kailangan. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka.'' he added.







I felt a slight pain on my chest. Nasasaktan din ako na sinisisi niya ang sarili niya sa mga nararamdaman ko. Kaya lagi kong pinipiling tumahimik dahil ayokong isipin niya pa yun, ngunit ang katahimikan ko ay nakakasakit parin pala sa kanya.







''Nasasaktan ako dahil wala akong magawa, kung puwede ko lang palitan ang mga bagay-bagay. Pero kaya ko naman talaga eh, kaya kong baguhin, kaya kong iwanan lahat, huwag ka lang mawala'' he said.







Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Nasasaktan ako, oo! ngunit hinding-hindi ko kayang hilingin sa kanya naiwanan niya ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Ang bigat sa dibdib na nasasaktan siya na naiisip niyang mawawala ako. Pinunasan ko ang luha ko bago bumaling sa kanya. 





Nasa malayo parin ang tingin niya habang hawak-hawak ang beer. Tumawa ako nang slight kahit wala namang nakakatawa, para lang mabawasan ang tensyon. Napatingin siya sa akin at nagkatinginan kami. I smiled, he didn't.







''Alam mo ang drama mo, pain is part of love and I'm okay. Masaya ako na nakilala kita, susuportahan kita sa lahat-lahat! Bata pa tayo, puwede pang magbago to'' sabi ko.







''Yung alin?'' He asked.





Alam naman niya pero kailangan ko pa talaga sabihin.





''Tayo'' mahinang sagot ko.







Masakit naman kasi isipin na iniisip ko to. Nagpapakatotoo lang naman ako, puwede naman magbago ang lahat. Change is constant, kahit ayaw pa natin.







''Hindi ko kayang mawala ka.'' matigas na sabi niya.









''Hindi naman ako mawawala, ang ibig sabihin ko lang ay lahat nagbabago, puwedeng magbago.'' sabi ko.







''Not my love for you.'' sagot niya.









Hindi na ako sumagot, lumapit nalang ako sa tabi niya at isinandal ang ulo ko balikat niya. Uminom siya ng alak pero nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin. 







''Sana ganito nalang palagi'' I said.







''Puwede naman'' sagot niya.







Natawa ako dahil alam kong malabo ngunit alam ko rin na kaya niyang seryosohin.







''Hindi naman puwede na dito lang tayo habang buhay, there are more important things than this.'' sabi ko at bumuntong-hininga siya. ''Enjoy nalang natin yung ngayon'' dagdag ko.







Summer LoveWhere stories live. Discover now