Seryoso"Huwag ka ngang feeling"
Inalis ko ang kamay niya sa baba ko at tinalikuran siya. Sobrang feeling naman neto. Hinabol niya ako habang naglalakad ako pabalik ng ospital. Nasa dulo pa lang kasi kami ng ospital at hindi pa nakakalayo. Hindi ko nga alam kung saan kami kakain basta sumusunod lang ako kanina sa paglalakad. Hinabol niya ako sabay tukso sa akin.
"So, nagseselos ka nga" natatawang sambit niya na may halong panunukso.
Iniharap niya ako sa kanya at pinilit na tignan siya. Dahil nasa dugo ko ang pagiging matapang, tinignan ko siya nang diretso sabay taas nang aking mga kilay.
"Ano ba?!" iritadong sabi ko.
"Nagseselos ka?" tanong niya ulit.
"Feeling mo talaga, gwapo kana niyan?" naging si Cia ako nang wala sa oras, baka kasi mag work.
Mali pala ako.
"Oo, kaya ka nga nagseselos diba?" he said and smirked at me.
Napahamak na naman ako dahil sinunod ko ang style ni Cia. Bumuntong hininga nalang ako at umiling.
"Hey hey hey, joke lang. ito naman napakaseryoso mo" sabi niya sa akin.
"Nye nye nye" sabi ko sa kanya, wala na talaga akong masasabi.
"Hayaan mo na yun, kumain nalang tayo" sabi niya sa akin sabay akbay.
Pucha, ang lapit lapit niya sakin. Sobrang bango pa! Pero syempre dahil pakipot ako inalis ko ang akbay niya sa akin.
"Sus. akbay lang naman, wala namang magagalit eh" sabi niya pero hindi ko nalang pinansin.
Diretso lang ang aking lakad at tumigil lamang ako nang naalala ko na hindi ko pala alam kung saan kami kakain. Pagkalingon ko sa kanya ay may bitbit na siya na Barbecue. Nakataas yung dalawang kamay niya na may hawak na barbecue at nakangiti sa akin.
"Alam ko na favorite mo to, dito na tayo" sabi niya sa akin sabay hila sa gilid, kung saan nagbebenta ang isang babae nang barbecue at iba pang pagkain.
"Paano mo nalaman na ito ang pabo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil alam ko na kung saan niya nalaman ito.
"Excuse me" sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya habang kinakagat niya ang kanyang barbecue. Agad ko namang tinawagan si Cia, binenta niya ako! Ang sama niya.
[Oh, musta date?] ayan ka agad ang bungad niya sa akin sa kabilang linya.
"Walang hiya ka! Kala ko ba best friend kita, huh? bakit binenta mo info's ko?" pabulong na sabi ko.
[Ano? Hindi kita naririnig! date ka muna diyan, bye enjoy] sabi niya.
"Sandal-" pinatay niya ang tawag kaya hindi ko natapos ang linya ko.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...