Chapter 37

38 0 0
                                        


Ikaw 


''Sabi mo friends na kayo, sabi mo move on ka na, ede pumunta ka''




Nasa condo ulit si Cia dahil bored daw siya. Sinabi ko sa kanya ang lahat na nangyari pati ang usapan namin ni Jace noong hinatid niya ako nung nakaraan. Ilang araw na rin ako kinukulit ni Jace tungkol sa birthday niya, dm siya nang dm sa instagram dahil wala naman kaming number ng isa't-isa. Naalala ko noong inihatid niya ako sa condo, hindi ko na raw puwedeng bawiin ang pag-tango ko!




''Sige na, kahit wala ka ng gift, swak na yung pabango. Sarili mo na lang i-regalo mo sakin''




Sabi niya habang nasa elevator kami nun. Kahit naiinis ako ay hindi ko naman maitatanggi na gusto ko rin siyang makasama kahit paano. Mabuti na lang at gentleman siya dahil kung hindi ay hindi ko alam paano ko dadalhin paakyat ang ipinag-grocery ko noong araw na yun.




''Yea pero if may sche-'' sabi ko na pinutol niya.




''Wala kang schedule niyan, gabi yun. Tsaka tayo-tayo lang naman ah?'' he said. ''Please, for me'' dagdag niya.




Mabuti naman at hindi siya nagtagal sa condo dahil ang awkward naman nun tapos kaming dalawa lang. Hindi ako sigurado kung sino yung mga kasali sa tayo-tayo na tinutukoy niya pero ngayon dahil sa pinagsasabi ni Cia ay alam ko na. Mukhang halos lahat daw ay makakapunta, ako lang yung hindi sigurado kaya pinipilit ako ni Cia ngayon.




''Cynthia's home already, wala nga siyang pa get together because you know, pero pupunta siya sa birthday ni Jace kaya ikaw! wala kang reason na puwedeng magpalusot sayo'' sabi ni Cia.


''Busy akong tao okay? '' I said.




''Puwedeng-puwede mong isingit yan! Celebrity din ang mag-bibirthday ah? si Ian nga na mayor sa kanila ay pupunta, ikaw pa kaya!'' sabi ni Cia sabay irap.


''Nahihiya lang kasi ako'' I said.


''Mas mahiya ka na hindi ka pupunta. Yinaya ka ng tao, um-oo ka tapos ganyan?'' pairap niyang sabi. ''Halatang mahal na mahal mo pa'' she added.


Dahil umiinom ako ng juice ay naibuga ko yun. Nakailag naman ka agad si Cia at tinignan ako gamit ang nandidiring mukha. Napaka-oa!




''Guilty nga'' she said.


''Pinagsasabi mo?'' I said.


''Bakit? Hindi ba? Hindi mo na ba mahal?'' she said.




Hindi ako nakasagot ka agad dahil ayokong magsinungaling at ayaw ko rin sabihin. Cia smirked. Hindi na lang ako nagsalita dahil halatang-halata na nga talaga. Gusto kong pumunta pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nagtatalo ang isip at puso ko sa kung ano ba ang dapat at hindi. Kung tama ba na magkaibigan kami habang gusto kong mag-move on. Hindi ba mahirap yun? Dahil imbes na kalimutan ko siya ay mas lalo akong mapapalapit sa kanya dahil magkaibigan na kami.


Ewan ko ang gulo! Bahala na. We'll see kung hanggang saan ang kaya ko o hanggang kailan ko kakayanin. Wala naman sigurong masama kung magiging masaya na muna ako ngayon na magkaibigan kami. Hindi ko masasabing kuntento na ako na maging kaibigan lang pero sa ngayon, puwede na, okay na to.


Sa mga sumunod na araw ay ganun pa rin si Jace. Lagi niyang pinapaalala ang birthday niya sa akin. Minsan hindi ako nag-rereply dahil bukod sa ayaw kong masanay na mine-message niya ako ay dinidisiplina ko rin ang sarili ko baka kasi madapa ako at hindi na makabangon ulit. Dagdag mo na rin na busy ako noh!




Summer LoveWhere stories live. Discover now