Chapter 36

38 0 0
                                        





Willing 




"You don't shout at a girl like that, you fucking asshole!"








Boses ka agad ni PJ ang narinig ko pagkabukas ko ng pinto. Nakita ko rin ang basag kong vase. Nasa sahig si Bry at inaawat ni Cia at Angge si PJ. Duguan ang bibig ni Bry kaya napatakbo ako papalapit sa kanya.





"Anong nangyari?" tanong ko at hinawakan si Bry.









Hinawi niya ang kamay ko kaya natumba ako. Hindi naman niya sinasadya iyon, pero dahil sa wala akong lakas ay natumba ako. Namuo ang pagsisisi sa mukha niya at dadaluhan na niya sana ako kaso tinulak ulit siya ni PJ.






"How dare you pushed her? Kanina ka pa ah! Anong na singhot mo at parang gusto mong manakit?" sigaw ulit ni PJ.








"Ano bang pakealam mo?" sigaw ni Bry pabalik.





Tumayo ako dahil sa tulong ni Cia at Angge. Bumalik din ka agad sila sa paghawak kay PJ. Nakatayo lang ako sa gitna nila. Dahan-dahan tumayo si Bry.





"She's my best friend! Of course, I care for her!" sigaw ni PJ.








Ngayon ko lang siyang nakita na ganito ka galit. Na ganito ka agressibo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero sa narinig ko kanina, hindi raw dapat sinigawan ni Bry ang isang babae, at sino yung babae? At bakit may nananakit?












"Best friend? Weren't you there for here when she feels so down! Asan kayo noon? Huh? Diba wala! Wala kayo! Tapos kung maka-asta ka? Super hero best friend lang!" walang kwentang sabi ni Bry.






The heck! Ano bang nangyayari rin sa kanya? He's a high respected person, napaka-pormal niya tapos ito yung ipinapakita niya ngayon. Mainitin ang ulo niya pero sa ganitong level. Umigting ang panga ni PJ.







"Huwag na huwag mong isusumbat sa akin yan, you don't know what it feels like to be in the middle. Jace is my best friend and Lorraine too. Ang hirap! Kaya tangina, tumahimik ka! Hindi yun yung issue dito!" sigaw ni PJ.








"Bakit na damay si Mister Dela Rosa dito?" nagtatakang tanong ni Bry at bumaling sa akin.









Nagkatinginan kami pero umiwas ako. Binigyan ko nang tingin si Cia na mukhang na gets niya kaya hihilain niya na sana paalis si PJ pero may huling sinambit pa ito.







"Now your claiming that you're the best friend, eh hindi mo naman pala alam kung sino si Jace sa buhay niya!" sabi ni PJ.









Pumikit ako nang mariin.













"Gusto mo ipakilala ko sayo? siya lang naman ang pinakamama-"










"Tama na! Please!'' sabi ko. ''Umalis na muna kayo. Puntahan niyo si Jace, bad mood yun!'' dagdag ko.













''Hindi ka namin iiwan sa lalaking yan'' sabi ni PJ.













''At bakit? Anong akala mo sa akin? Kriminal? Ikaw ang mas mukha-'' hindi ko na hinayaan si Bry na makatapos.










''Shut the fuck up!'' sigaw ko. ''Umalis na lang muna kayo, mag-uusap lang kami'' dagdag ko.







Hindi sang-ayon si PJ pero hinila siya ni Cia at sinama rin si Angge paalis. I gave them an apologetic look before I turned my gaze to Bry. He was staring angrily at me.







Summer LoveWhere stories live. Discover now