I can't
"Don't leave me, Lorraine''Agad akong bumangon nang marinig ko ang boses ni Bry. After a month of being comatose, sa wakas ay nagising na rin siya. Noong araw na iniwan ko si Jace sa condo, saka rin ang pag-gising niya. Kahit paano ay nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko dahil itinuon ko ang atensyon kay Bry. Mula pagkagising niya ay lagi niya akong hinahanap.
"You're dreaming, Bry. Nandito lang ako'' sabi ko.
Minulat niya ang kanyang mga mata at nginitian ko naman siya. He looked relieved when he saw me.
"Don't leave me" he said.
"I won't" I said.
Ganun lang naman ang eksena sa hospital. Tulog at kain lang ang ginagawa niya. Next week ay babalik na ako sa opisina dahil uuwi naman na siya sa bahay niya. Sa pagbabalik ko sa opisina ay alam kong magkikita kami ni Jace. Launching na nang magazine at project namin, for sure magkikita kami.
Am I ready to face him again? Noong iniwanan ko siya sa condo akala ko ay susundan niya ako. Akala ko ay pipilitin niya ako pero mabuti naman at hindi. Hindi ko siya kayang harapin na nagmamaka-awa dahil mas masasaktan ako. Dahil baka bumalik ako.
Yes, Jace. Kayanin mo, dahil kakayanin ko.
"Sure ka? Puwede ka pa naman mag-stay dito if gusto mo" sabi ko.
Inaayos ni Lisa ang bill niya sa baba at hinihintay na lang namin yun bago kami umalis. Makakalabas na siya ngayon dahil okay na siya pero mainitin ang ulo niya lately kaya gusto ko sanang dito pa siya. Bulod dun ay nahihirapan parin siya sa paglalakad.
"Okay na nga! Ayaw kong maging pabigat sa inyo!" sigaw niya na ikinagulat ko.
Noong nagising siya ay okay na naman na siya kaso nitong huli ay lagi na siyang naiinis, lagi nang mainit ang ulo niya. Lagi niya sinasabing kaya niya, na ayaw niyang maging pabigat.
"Hindi ka naman pabigat, gusto ko lang na maging okay ka. If you want let's hire a private nur-" hindi ko ulit na tapos dahil sumigaw na naman siya.
"Ayaw ko nga! Bakit, mahirap na ba akong alagaan? Ganun na ba ako kapabigat? Iiwanan mo na ba ako?" sunod-sunod niyang sigaw.
"Bry-" hahawakan ko sana siya kaso tinapi niya ako.
Nagulat ako sa ginawa niya. Nabunggo ako sa ding-ding. Agad din siyang nagsisi at humakbang papalapit sa akin pero umatras din naman ka agad siya.
"I'm sorry" sabi niya.
Paulit-ulit niyang sinabi at hinampas-hampas niya pa yung ulo niya. Agad ko siyang dinaluhan at hinawakan ang kamay niya. Sinisisi niya ang sarili niya at hindi niya na raw maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. Umiyak siya kaya lumuha na rin ako.
"Shh, shh. Okay lang, alam kong hindi mo sinasadya" sabi ko sabay haplos sa likod niya.
Kumalma siya at saktong pumasok si Lisa. Natigilan pa siya nang makita niya ang mga itsura namin. Yumuko si Bry at pinunasan ko naman ang mga luha ko.
"Tapos na, na request ko na ang wheel chair" sabi niya.
Tumango ako at agad na inayos ang mga natitirang aayusin. Pumasok ang lalaking nurse na bitbit ang wheel chair. Inalalayan niya si Bry doon at sumama na siya sa amin hanggang sa baba.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...