Chapter 16

75 5 2
                                        





First Kiss







"What happened?"








Agad na usisa ni Lee dahil sabay-sabay silang tumili. Nabasa siguro nila ang tweet ni Jace. Ako naman ay  walang naging reaksyon. Naririnig ko ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali. Hindi ako makagalaw at lahat-lahat. Hindi ko rin alam kung sinagot ba nila ang pag-uusisa ni Lee.









"Who are you texting ba?" napabalik ako sa isip ko dahil sa tanong ni Lee.







Napatingin ako kay Jace na ngayon ay nakatingin sa selpon niya. Inangat niya ang tingin niya sa akin at agad akong umiwas. Narinig ko parin ang sagot niya, though.







"I'm texting the love of my life" casual niyang sagot na nag-painit ng mukha ko.








Kailan pa ba ako masasanay?











Tumili na naman ulit yung iba habang ako ay tahimik pa rin. Hindi ko nga magawang tumingin dahil alam kong nakatitig siya. Mabuti nalang at dumating na rin yung inorder kaya doon bumaling ang atensyon nila.







Itinago ko ang selpon ko sa bulsa ko at saktong pagkababa ko ng phone ay inilapag ni Jace ang pagkain sa harap ko. Nagkatinginan kami at ngumiti nalang ako ng tipid sa kanya. Tahimik akong kumakain dahil ang daldal ni Lee at ng iba pa, pa tango-tango lang din si Jace sa kanya pero hindi parin siya nauubusan ng salita.





Pagkatapos naming kumain ay umalis din kami ka agad para makauwi na. Sasakay na sana ako sa front seat kaso inunahan ako ni Lee. Napairap ako at sasakay na sana sa likod pero napatigil ako nang marinig ko ang mga sinabi ni Jace.





"Drew, ikaw na mag maneho" sabi niya.








Pagkalingon ko ay nakita kong binigay niya kay Drew ang susi at pumasok sa likod. Napanganga rin si Lee at parang ayaw na niyang pumasok sa loob kaya inunahan siya ni Cynthia.









"Uhm, sorry hindi na kasya" sabi ni Cynthia.









Nakangiti akong pumasok sa likod at tumabi sa kanya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko kaya bumaba ang tingin ko doon.






"1 point for Lorraine" bulong ni Cia sa akin.







Nagtawanan kami sa sasakyan hanggang sa makauwi kami. Mukhang na imbyerna si Lee sa nangyari kaya mainit ang ulo niya tuwing practice. Walang masyadong ganap sa buong linggo namin, practice at tsaka bahay o kaya resort lang kami hanggang sa tapos na ang break. Bumalik kami ka agad sa Manila dahil may pasok na nga, nag-uupdate lang ako kay Ate Celia tuwing may mga naiisip akong ipapabago o kaya idadagdag.





Ilang araw nalang at tsaka birthday ko na, mabuti nalang at Sabado iyon kaya walang pasok. Uuwi kami ng Biyernes pagkatapos ng pasok namin at uuwi kami ng Lunes, absent na muna kami.





"Ilang tulog nalang, birthday mo na" bulong ni Cia.







Huling subject na namin ngayon at bored na bored na ako. Ang boring naman kasi ng professor na to, lagi nalang nagbabasa, wala naman akong maintindihan sa mga binabasa niya.




"Class dismissed"





Doon lang nabuhay ang dugo ko dahil tapos na ang klasi. Susukat din kasi ako ng gown ngayon kaya kanina ko pa binabantayan ang oras.







Summer LoveWhere stories live. Discover now