Author's note: *play the music pag nasa scene na ni Jace at Lorraine para mas feel*
R18. Read at your own risk.
Let you go
''Okay lang ako, Mama''
My mom is here in front of me crying. Nakita raw kasi ni Ate Lala ang video tsaka ipinakita sa kanila kaya sumugod silang lahat dito sa hospital. Para namang mamamatay ako sa lagay kong to!
Kagabi pa ako iyak ng iyak noong umalis si Jace. Pinapatahan ako nila Cia pero hindi ko magawa. Alam niya, alam niya ang gustong mangyari ng mommy niya. Kaya laging malungkot ang mga mata niya, kaya umiiwas siya. Hindi nagtatanong ang dalawa kagabi kung bakit ako umiiyak, sinamahan lang nila ako hanggang sa makatulog ako.
Hindi nila ako pinauwi kagabi dahil mas kailangan ko raw dito, hindi kasi ako kumakain kaya hindi ako malakas. Nagulat na lang ako kanina na pagkagising ko ay bumungad ang pamilya ko sa akin. Pumasok si Cia sa school dahil last day namin ngayon bago mag Christmas break. Mabuti na lang at napasa ko na rin ang lahat.
''Dapat sinabi mo sa amin, pangalawang beses na pala to'' Ninang said.
Napatingin ako kay kuya at umiwas naman siya. Malamang siya ang magsasabi dahil siya lang naman ang nakakaalam dito. Hindi tulad noon ay galit ang nakikita ko sa kanya dahil sa kalagayan ko, ngayon ay malungkot lang din ang mga mata niya.
''Hindi niyo nga po sinabi na nasa alanganin na ang trabaho ni papa, na kulang tayo sa pera.'' sabi ko. ''At ikaw kuya, pinagiinitan ka na pala'' dagdag ko.
Nasa harap ko lang si papa habang nakatingin sa akin. Yung kapatid ko naman ay nasa paa ko banda, nakaupo. Ate Lala is standing beside kuya. Pinapalibutan nila ako na para bang kagigising ko lang mula sa coma.
''Ayaw lang namin na mag-alala ka, anak. You need to focus on your studies'' Papa said.

YOU ARE READING
Summer Love
Fiksi RemajaLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...