Mas mahal kita
''Nagrereklamo ka pa? Ikaw nga tong may kalandian sa Paris!''
Kahit kailan talaga, walang kwentang kausap tong si Cia. Linggo ngayon at nasa condo kami. Sa buong linggo nang pahinga ko wala akong ibang iniisip kundi ang mga bagay na gusto kong iwasan. Hindi tuloy ako naka pahinga kahit nasa condo lang ako! Ngayon na huling araw na nang pahinga ko ay kailangan ko nang ilabas ang sama ng loob ko para hindi ma apektohan ang trabaho ko bukas. Ngunit itong si Cia, imbes na pagaanin ang loob ko, ako pa ang tinuturo-turo niya sa mga nangyayari.
''Wala akong kalandian, Okay? Taken na yun! Ano ba.'' I said.
''Talaga? Akala ko ba patay na patay yun sayo'' she said.
''Ganun pa nga rin daw'' wala sa sarili kong sabi.
''What?!?'' malakas na sambit niya.
Alam kong wala na akong choice kundi sabihin sa kanya ang lahat dahil pipilitin niya rin naman ako kahit papaano. Ikwenento ko sa kanya ang lahat at nakinig naman siya nang mabuti. Bawat detayle ay naalala niya at mismong mga linya ay tumatatak sa isip niya.
''Haba talaga ng hair mo mula noon, wala kang ginagawa pero nahuhulog sila sayo!'' she said and even clapped.
''Ayun nga, hindi ko na alam ang gagawin ko'' I said.
''Teka nga, saan ka ba mas bothered? Sa nararamdaman ni Abel o sa nararamdaman mo kay Jace?'' she asked.
''Sa lahat!''sagot ko.
''Alam mo, if you have time, mag-usap kayo ni Abel. Hindi puwedeng iwasan mo siya dahil lang alam mong may nararamdaman siya sayo. Marami na siyang nagawa para sayo, at least be fair to him by being honest to him.'' she said. ''And with Jace, hindi mo naman kailangan iwasan na naman, kailangan mong harapin na, baka magkasama na nga kayo niyan eh'' she added.
Iyon naman talaga ang plano ko, kakausapin ko siya. I'll make him see na si Bella ang mahal niya, hindi ako. Na nabulag lang siya ulit dahil bumalik ako at iba na ang pakikitungo namin sa isa't-isa hindi kagaya noon. Alam kong mahal niya si Bella, alam ko yun. Masaya sila, bagay sila.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kay Jace. Alam kong hinihintay ko talaga yung bati niya sa akin pero alam kong may mali, alam kong may nag-iba na naman. At natatakot ako kung ano na naman yun, naiinis ako na bakit ganito na naman? Magkaibigan lang kami pero napaka-komplikado na! Kaya mas nawawalan ako nang pag-asa na puwedeng maging kami dahil ngayon pa lang, magulo na.
Marami kaming pinagusapan ni Cia. It feels good to let your feelings out, kahit pa minsan-minsan lang. Gabi na nang nagdesisyon siyang umuwi dahil may trabaho pa siya. Hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil maraming pumapasok sa isip ko.
''Ayoko na, nakakapagod'' sabi ko, nahihingal na.
Nasa private gym ako ngayon at pinaghahandaan ang project na kasama ang lintek kong ex! Hindi ko na ngayon maintindihan ang nararamdaman ko. I feel excited and scared at the same time. Ang gulo lang talaga. Buong linggo pagkatapos nang isang linggong pahinga, ito na ang ginagawa ko. Birthday ni kuya noong nakaraan at hindi ko siya nabati sa call dahil busy siya, hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya. Kanina pa ako hinihingal, malapit na akong mahimatay dito. Malapit na rin maubos ang tubig ko sa malaki kong tumbler. Wala na rin akong lakas na tumungo pa sa refill station kaya nagpasuyo ako sa trainer ko na kaibigan ko na rin.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...