Chapter 17

49 2 2
                                    












Best Gift





''Tss''







Sa daming puwedeng sabihin yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. I saw him smirked because of what I said. Umirap ako, bakit kailangan itanong? It was just a smack, we didn't make out or something, bakit big deal para sa kanya to? Tsaka, aksidente yun! Nakakahiya!






''Ako nga'' sabi niya.







May pa tango-tango pa siyang nalalaman. Parang kuntento na siya sa sagot ko kahit wala namang kwenta yun, well parang yung tanong niya rin, walang kwenta.







''Kapal mo!'' sabi ko.






''Oh, hindi ba? Bakit hindi ka makasagot?'' sabi naman niya.








Hindi lang naman ako nakasagot kanina dahil sa sobrang lapit namin. Nadi-distract pa ako sa pag-lunok lunok niya pati narin sa mga labi niya. At, oo! Siya ang first kiss pero smack lang yun.










''Wala akong first kiss! smack lang yun, hindi counted'' matapang kong sabi.








''Gusto mo totohanin natin?'' tanong niya.










''As if! Akala ko ba you'll just kiss me when i'm already yours?'' sabi ko ulit.









''Hindi ba?'' Nakataas niyang kilay.






''Hindi'' sabi ko.









''Talaga?'' he asked.









''Oo, kahit halikan mo pa ako wala akong pakaealam, walang epekto yun! '' feeling strong ako kung makapagsalita.









Pinagsisihan ko rin agad dahil bigla niya akong hinarap sa kanya. Lumapit siya sa mukha ko, napapikit ako nang wala sa oras. Hindi sa nagrereklamo ako pero hindi yata ako handa! Narinig ko ang tawa niya, minulat ko ang mga mata ko at hinampas siya.








''Aray!'' sabi niya sabay hawak sa braso niya. ''Aminin, umasa ka'' dagdag niya.











''Walang hiya ka talaga'' sabi ko.














''Sorry ka nalang, I'm true to my words'' he said and smirked.








Napairap ako at dumungaw sa selpon ko, saktong tumunog din ito. Nag-text si kuya sa akin.





From: Kuya Lucas

Anong oras ka uuwi? Ihahatid ka ba ni Jace?






"Ihahatid mo raw ba ako?" bumaling ako kay Jace na nakatingin sa tv.






"Oo" sagot naman niya at tumango pa.






To: Kuya Lucas

Hindi ko pa alam, pero ihahatid niya ako.





Hindi narin nag-reply si kuya. Hindi narin namin pinagusapan ni Jace yung kanina. Mabuti naman at baka mainis lang ako dahil sa pang-aasar niya. Itinuon lang namin ang aming atensyon sa movie na pinindot niya. Romeo and Juliet pa ang napili.





Summer LoveWhere stories live. Discover now