Chapter 42

25 0 0
                                    








Akin siya! Akin lang!




''Ah sandali lang po, nagbibihis si Ate sa loob''



Tinulak ko ka agad si Jace nang marinig ang boses ni Angge mula sa labas. Imbes na mainis ako dahil sa hickey na ibinigay niya ay hindi ko na magawang magalit sa kanya dahil hinalikan niya ako. Matagal na rin noong huling may nakahalikan ako, at siya rin yun! Nabitin ako sa halik dahil kinabahan ako na pumasok kung sino man yun, mabuti na lang at nasa labas si Angge. Sino kaya iyon? Panira siya! Nataranta ako kaya itinaas ko ka agad ang robe ko at tinali ito. Habang hindi ako mapakali ito namang si Jace kalmado lang na para bang walang pakealam.





''Can you chill?'' sabi niya at tinakpan ko ka agad ang bibig niya.



''Shh, baka marinig ka'' mahinang sabi ko.



''Eh ano naman ngayon?'' tanong niya.



''Please?'' sabi ko.



Mukhang naintindihan niya naman kaya hindi na siya nagsalita at tumango na lang. Tumalikod ako sa kanya para mag bihis pero hindi ko ma abot ang likod ko kaya kailangan ko pa siyang utusan na ibaba iyon. Nag dalawang isip pa siya kaya umirap ako.



''Kung umakto ka naman parang hindi mo nakita to noon'' sabi ko.



''Don't try me, baka hindi ko mapigilan sarili ko'' sabi niya at hinubad ang tali sa likod ko.





Alam ko ang ibig niyang sabihin pero hindi na lang ako nagsalita. Nagbihis ka agad ako dahil hindi naman ako nahihiya sa kanya. Nang bumaling ako sa kanya ay nakahilig siya sa couch at mukhang may iniisip. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi bago umalis. Nabigla siya kaya hindi siya nakapag-react ka agad. Binuksan ko nang maliit ang pinto at nang makitang walang ibang nandoon kundi si Angge ay lumabas ka agad ako. Hinila ko ka agad siya paalis doon.


''Sino ang nasa labas kanina?'' I asked.




''Si sir Bry po'' sabi niya. ''Mukhang badtrip'' she added.







Tumango lang ako. Nang naka balik kami sa kung saan nag shoot kanina ay nandoon pa rin sila Abel at Bella. Si Bry ay may kausap. Ibang model na ang kinukuhanan ngayon. Lumapit ako sa kanila para batiin sila. Nakipag-beso sa akin si Bella. Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko kay Abel. Siniko siya ni Bella kaya ngumiti siya nang tipid sa akin at nakipagbeso rin.



''Bakit nga pala kayo nandito?'' I asked.



''Ah sinamahan kami ni Bry para makapagpaalam sayo'' sabi ni Bella.



Kumunot ang noo ko. Umiiwas nang tingin si Abel. Mag papaalam? Aalis sila? Saan sila pupunta? Hindi ako nagsalita pero binigyan ko sila nang tingin na hinihintay ko ang sasabihin o ang idudugtong nila.



''Uhm, we're leaving'' sabi ni Bella.



Namilog ang mata ko dahil sa narinig ko. Dahil ba sa akin to? I'm happy that they're sticking together pero paano yung mga maiiwan nila dito? Hindi ako nakapagsalita agad dahil hindi ko mai-proseso sa utak ko.



''Paano yung work mo?'' iyon ang tanging lumabas sa bibig ko.



''I'm taking a break muna, wala pa namang bonggang project ngayon'' Bella answered.



Summer LoveWhere stories live. Discover now