Chapter 45

75 0 0
                                    






R -18. Read at your own risk.



Same mistake








''Anong ginagawa mo dito?''








I mouthed, Gustohin ko mang sumigaw makakabulabog ako kela mama at sa mga kapit-bahay. Hindi niya ako sinagot at may kinuha sa kotse niya. He then raised the ice creams he bought which made me feel excited.








Agad akong napatingin sa suot ko na t-shirt at tsaka maong shorts, mukhang okay naman ako kaya bumaba ako na walang ibang bitbit kundi ang phone. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan para hindi magising sina mama at dumaan sa kusina.





Binuksan ko ang gate at sinalubong ka agad si Jace ng yakap. I'm a bit extra clingy and moody at the same time. Para akong spoiled brat na bata pero who cares? Minsan lang naman ah, and it's understandable, meron ako!








Mahigpit ang yakap ko sa kanya. Amoy na amoy ko ka agad ang perfume na binili ko para sa kaya malapad ang ngisi ko. Mukhang nasasakal ko na yata siya kaya siya na mismo ang dahan-dahang bumibitaw sa yakap ko. Sinamaan ko siya nang tingin at napabuntong-hininga siya at yinakap na lang ulit ako.





''Paano na lang kaya pag buntis na to'' rinig kong bulong niya.





Hinampas ko siya at tinawanan niya lang ako. Hinila niya ako papunta sa likod ng kotse niya at pinaupo doon. This is how we spent our time with each other before, nakaupo lang sa pick-up, kumakain at nag-uusap. He opened the ice cream for me nang makita niyang parang nahihirapan ako. Mas lumapad ang ngisi ko dahil cookie and cream ang flavor. Bumalik siya ulit sa harap para may kunin at laking gulat ko na meron siyang bitbit na fries ng mcdo. Yinakap ko na naman ulit siya dahil sa sobrang saya.





''Thank you so much!'' sabi ko.





Sinamahan niya ako sa pagkain at pag-inom ng ice tea na binili rin niya. Masaya ako sa pag kain at pakikipag-titigan sa kanya. I took a picture of the food, him and us. Linagay ko lahat sa story ko dahil masaya ako. Who cares? Joke, close friends yung dalawa kami, syempre!





''Wanna go for an adventure?'' tanong niya.





''Oo!'' excited na sagot ko.





Adventures with the Jace Dela Rosa? The man and love of my life? Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi! Walang makakapigil kahit itong dalaw ko! Tinignan niya muna ako at pinagmasdan kung okay lang ako.





''Let's go! I'm fine, kasama naman kita eh'' sabi ko.





Ngumisi siya sa sinabi ko. Awsus, kinilig ang bebe ko! Inayos namin ang kalat sa likod ng kotse niya bago pumasok sa loob. Pa kanta-kanta lang ako habang nasa byahe kami, ni hindi ko alam kung saan ba kami patutungo.





Lumiwanag ang aking mga mata nang makita ko na nasa harap kami ng Amusement park, nasa Enchanted Kingdom kami! Nalungkot ako dahil madilim at mukhang sirado na. Paano ba naman kasi, malapit na mag alas-dose. Kung sana ay hindi na lang ako natulog kanina, baka makaka-pasok pa kami.





Umikot siya para buksan ang pintoan ko. Malungkot ang itsura ko kaya siguro siya nagtaka. Ini-angat niya ang baba ko at nagkatinginan kami. Pinatakan niya ako nang isang halik at ngumisi naman ka agad ako, ang moody ko naman! Tinawanan niya lang ako.





''Problema mo?'' malambing niyang sabi.





''Sira na'' I said and pouted.





Summer LoveWhere stories live. Discover now