Mine
"Akala ko naman tatanungin mo ako kung puwede mo akong maging boyfriend" biro niya. "Akala ko baliktad na pala ngayon" dagdag pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil seryoso ako sa tanong ko. Ano ba, ayaw ba niya? Nakakahiya naman na nag english-english ako dito, sabi na eh! Pahamak talaga si Cia. Kung si Kuya nalang kaya escort ko? Papasok nalang sana ako sa loob kaso hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Ano?" inis na sabi ko.
"Pikon yan? Ang aga pa ha" sabi niya.
"Ano ba kasi? Papayag ka o ano? Puwede namang si kuya!" masungit na sabi ko.
Kumunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko. Pinipigilan niyang matawa kaya mas lalong nakakapikon yung itsura niya.
"Ano? Gusto o ayaw?" tanong ko.
"Tanungin mo ako ulit" nakangising sabi niya.
Napabuntong-hininga ako bago magtanong ulit.
"Puwede ka bang maging escort ko sa birthday ko at tsaka last dance?" tanong ko.
"Ayoko" sabi niya.
Bigla kong naramdaman ang init ng dugo ko na parang paakyat na sa ulo ko. Nakakabwisit to, ginagago ata ako eh ang aga-aga pa. Sisigawan ko na sana siya dahil sa sobrang irita pero naunahan naman niya ako.
"HAHAHA eto naman! hindi mabiro, syempre gusto ko, babasagin ko mukha ng kung sino man ang papalit sa pwesto ko" sabi niya.
Ang lahat ng inis ko ay napalitan ng kilig. Iba talaga ang epekto ng lalaking to sa akin. Konting salita lang parang lalabas na ang puso ko dito.
"Kinikilig na naman yan" sabi niya.
"Ewan ko sayo, pasok na tayo" sinubukan kong maging masungit para hindi niya ma pansin na totoong kinikilig ako.
Umupo kami sa dining area at kumain ng binili ni Cia na pagkain mula sa Mcdo. Bumili pala siya ng pagkain kaya nakapangbihis siya kanina. Umalis din ka agad si Jace pagkatapos naming kumain dahil may pupuntahan pa raw siyang importante.
Naging abala rin kaming lahat dahil sa kanya-kanyang schedule. Hindi na kami ulit madalas magkita ni Jace o kaya nila Cynthia. Si PJ at si Marc naman ay minsan nakakasama pa namin ni Cia dahil nasa isang building lang naman kami. Minsan tumatawag si Jace pero kadalasan ay text nalang dahil ang dami niyang ginagawa, mas abala pa sa akin dahil may iba pa siyang pinagkakaabalahan tungkol sa pamilya niya.
Hindi naman ako demanding sa kanya dahil hindi pa naman kami at kahit kami man, hindi ko rin hihingin lahat ng oras niya dahil alam kong para rin sa kinabukasan niya ang mga ginagawa niya. Ngunit, minsan aaminin ko, namimiss ko rin siya dahil ang tagal na namin hindi nagkikita.
"Nabili ko na lahat ng kailangan natin bukas" iyan ang bungad ni Cia pagkapasok niya ng condo.
Umalis silang dalawa ni kuya kanina para bumili ng mga kailangan namin para sa booth bukas. Foundation day kasi namin at bukas, bilang mga taga business department ay kailangan namin magbenta. By pair ito o by group, pero pinili namin ni Cia na pair nalang. Mag-babake kami ngayon nga mga cake at tsaka kung ano pa, natutunan namin to sa B's Bakery. Bata pa lang kasi kami ay sinasama na kami nila mama sa kusina kaya pati kami ay natututo na rin. Hindi naman namin gagawin lahat ngayon, bukas pa yung iba.
YOU ARE READING
Summer Love
Novela JuvenilLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...