*this will be a long chapter*
Defeated.
''Salamat, besprend''Ayan ka agad ang bungad sa akin ng walang hiya kong best friend, si PJ. Sinundo ko siya mula sa bahay niya dahil papunta kaming Laguna ngayon, sa resort namin.
''Bakit, hindi mo ako pinapansin?'' reklamo niya.
Paanong hindi? Nasa iisang condo lang kami, magkatabi lang ang unit namin tapos alam naman niyang aalis kami ngayon tapos umuwi pa siya sa kanila kagabi, kaya nahuli kami ngayon, nauna na yung ibang tropa namin.
''Naiinis ka na niyan? Pakiss nga'' pagbibiro niya.
''Sapakin kita diyan eh'' sabi ko.
Tinawanan niya lang ako dahil nakakatawa raw ang itsura ko pag naiinis ako. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa harap dahil nagmamaneho ako. Inaantok ako dahil kanina pa ako nagising, mabuti nalang na maingay tong si PJ dahil kahit papaano ay hindi ako nakakatulog.
''Mall daw muna bago sa inyo'' sabi ni PJ habang nakatingin sa phone.
Tumango naman ako sa kanya. Nasa Laguna na kami at malapit na kami sa mall kung saan kami hinihintay ng tropa. Pagka-liko ko ka agad sa parking ay tanaw ko na ka agad ang van na ginamit nila papunta rito. Pinark ko ang pick-up ko sa tabi ng van. Naghanap muna ako ng shades kaso wala, nasa bag ko pa yata sa likod kaya hindi nalang ako nag-abala pang kumuha dun. Bahala na mamaya kung may makakita man.
''Musta na si Aya?'' Lia asked, si Emily, my girl best friend.
Emilia ang totoo niyang pangalan at ang tawagan namin sa isa't-isa ay ang mga tatlong huling letra sa real name namin, Lia siya, Cob ako dahil Jacob. Wala, bored lang kami noong mga bata kami kaya gumawa kami ng nickname. She's my girl best friend, siya yung pinakamalapit na babae sa buhay ko bukod sa kapatid ko.
''She's fine. '' tanging sagot ko.
Aya is my sister. Jessica Aya, Aya o kaya Jesse ang tawag sa kanya pero mas gusto niyang tinatawag ko siyang baby girl. Siya ang bunso sa aming apat na magkakapatid. Nasa bahay sa Manila siya ngayon.
Naglalakad kaming lahat papunta sa breakfast cafe na gustong-gusto puntahan ni Cynthia, ang isa pa naming ka-tropa. Hindi pa naman siguro marami ang tao dito dahil maaga pa naman. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng breakfast cafe na yan ay naghanap ka agad ng mauupan si Cynthia pero ang sabi ko i-take out nalang nila para maka punta na kami ng resort.
Isa pa, ang ingay ingay nila kaya napapatingin ang mga tao sa amin. Mahirap nang pagkaguluhan ngayon, wala pa ako sa mood dahil antok pa ako.
Nahagip pa ng mga mata ko ang isang babae na nakaupo sa loob din ng cafe na kanina pa tingin ng tingin sa amin, o kaya sa akin. Naka-bun ang kanyang buhok at naka puting oversized t-shirt. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kaya napadasal ako ng wala sa oras, sana ay hindi siya isa mga fangirls ko dahil wala pa akong energy para tumakbo. Napawi lang ang tingin niya nang inalog-alog siya ng babaeng kasama niya.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...