Chapter 43

39 0 0
                                    







Anak







''Can we continue the shoot now? The earlier we finish this, the better''








I managed to be serious in saying that. Kunwari wala akong sinabi kanina na nakakahiya. Tumango yung baklang photographer kaya bumalik kami sa harap ni Jace. Lumapit si Angge sa akin at tinangal ang robe ko, muntik ko nang makalimutan. Napatingin ako kay Jace na nakangisi kaya umiwas ako.





Kahit na kinakabahan ako sa kaloob-looban ko nagagawa ko pa rin ang mga inuutos ni bakla. Nang sinabi niyang kailangan nakatalikod daw ako habang ulo ko lang yung haharap habang nakahawak naman yung kamay ko sa dibdib ni Jace ay kinabahan ako. Not that I don't know how to do it, but it feels weird for me.





''I hope that's okay with you, Miss Jones?'' nabigla ako sa sinabi nang bakla.








Bakit hindi magiging okay? Girlfriend ba siya, huh?





''Of course'' sagot ng feelingera.





Umirap ako at ginawa na lang ang pose na iyon. Dahil sa inis at kaba ko ay hindi ko magawa nang maayos at hindi ko pa malingon si Jace. Nabigla ako nang hinawakan niya ang kamay ko at inayos ito sa dibdib niya.





''Sayo lang to, sayo lang'' bulong niya.





Pinigilan kong huwag ngumiti pero hindi ko nagawa. Mas lumapad ang ngisi niya kaya pati ako ay nahawa na rin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngumiti pero hindi ko talaga magawa. Kahit na sabihin ng bakla na fierce raw ay nakangiti pa rin ako. Naririnig ko ang mga mahihinang tawa ni Jace kaya hindi ako makapag-seryoso. Nakakailang sorry na ako, sabi ko na lang na may naalala lang ako na nakakatawa.





''Fierce nga, bakit ka tumatawa?'' Amelie said.





''Masaya ako eh, pakealam mo?'' malditang sabi ko pero nakangiti ako.





''Well, Miss Reyes, I don't care about your happiness. What I'm saying is that, learn to follow the instruction'' kalmado niyang sabi.





''Shh, love'' bulong ni Jace na nagpalipad nang isip ko.





''I think it's better that way, mukha silang in love'' napabalik ako sa sarili ko dahil nabigla ako sa sinabi ni Lisa.





''I agree'' sabi naman ni Angge.





''Maganda nga, i hope Miss Jones won't mind?'' sabi ulit ng bakla.





Kanina niya pa sinisingit tong si Amelie ah? Hindi nga siya girlfriend! Wala siyang pakealam dito. Hindi ko na mapigilan mairita at mukhang kitang-kita na iyon sa itsura ko. Bago pa makasagot si Amelie ay naunahan na siya ni Jace.





''Of course, she won't mind. She doesn't own me, we're not together'' laglag panga ko, panga nang lahat lalo na ni Amelie sa sinabi niya.





Kalmado ang pagkakasabi niya nun at parang sampal iyon para kay Amelie. Bumaling ang mga tao sa kanya, kitang-kita sa itsura niya na nahihiya siya dahil sa sinabi ni Jace pero idinaan niya lang iyon sa tawa.





''Yeah, we're not even there yet'' sabi ni Amelie.





''We're not getting anywhere, Amelie'' sabi ni Jace.





''Can you settle your issues outside? Be professional, just this once!'' sabi ni Bry na nagpatahimik sa aming lahat.





Amelie excused herself and went on the corner to call someone. Hindi ko alam kung sino at wala akong pakealam, natutuwa lang ako na wala siya sa harap ko ngayon. We did the pose again, both fierce and not. Naririnig ko ang mga tili nang iba pero hindi ko pinansin, tanging ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Jace.





Summer LoveWhere stories live. Discover now