Chapter 2

98 12 19
                                        







Love at first sight







"Uy ano yun? bakit nasa kanya ang phone mo?"








Pang-uusisa ni Cia sa akin ng makalabas kami ng hotel. Wala na akong pakealam kung narinig ni Jace yung thank you ko o ano, ang mahalaga lang ay nakapagpasalamat ako kahit papano. Ang sabi kasi nina Mama sa akin na dapat maging mabuti sa kapwa kahit anong mangyari. Kahit na sabihin niyo na mataray ako, mabuti parin naman ang puso ko. 








"Ah kasi ano, long story!" sabi ko nalang.









Hindi niya ako tinigilan hanggang sa makarating kami sa  bahay kaya sinabi ko nalang din, kinilig pa ang gaga. Anong nakakakilig doon? eh nakakainis nga eh.








"Tumahimik ka nga" sabi ko sa kanya nang makapasok  kami sa loob ng gate.








"Oo nga, ang ingay mo, sa loob palang naririnig na kita" singit ni kuya na kakalabas lang nang pinto.








Naka bihis siya, may lakad na naman siguro.








"Epal!" sabi ni Cia sa kanya.









"Saan ka pupunta kuya?" I asked.









"Nag-aya mga kaibigan ko, sa resort lang naman" sagot ni kuya sa akin.








"Ang sabihin mo hahanap ka na naman ng babae" sabi ni Cia.









Hindi lang siya pinansin ni kuya at nagpaalam nalang sa akin at umalis na. Pumasok naman kami ni Cia sa loob ng bahay at hinintay sina Mama bago kumain at natulog narin.







Kinabukasan, maaga akong nagising dahil nga tutulong kami ni Cia kela Mama sa bakery. Mabuti nalang at hindi siya natulog kagabi sa bahay dahil sigurado akong mapupuyat kami sa chismisan. Naligo ka agad ako at pagkatapos ay nag-ayos ng gamit bago bumaba. Dumeretso ako sa kusina kung saan naabutan ko sina Mama at tsaka Ninang.



"Gising ka na pala, Nak! paki tawag si Cia sa bahay" salubong ka agad ni Ninang sa akin.







Tumango naman ako at lumabas sa pintuan sa likod dahil nga nasa kusina kami at mas malapit doon. Akala ko tulog pa si Cia ngunit saktong pagkapasok ko ng pintuan nila ay nakababa na siya at mukhang bagong ligo.






"Sa bahay na tayo kumain ng breakfast" sabi ko sa kanya.





"Doon naman talaga, wala namang luto dito" natatawang sabi niya.







Pagkabalik namin ng bahay at handang-handa nang umalis sina Mama, sumunod daw kami ka agad pagkatapos namin mag almusal. Habang kumakain kami ay biglang dumaan si kuya sa harap namin at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig.





Summer LoveWhere stories live. Discover now