PROLOGUE

291 18 27
                                    



DISCLAIMER: This work is fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

                               


                                                                                 *****

"Pwede nang mauna?"


Paalam ko sa manager ko na si Lisa. Kakatapos lang ng photoshoot ko sa isang brand at kakain kami ngayon ng best friend ko na si Cia sa isang restaurant.


"Yes, basta huwag kang magpuyat, maaga pa tayo bukas." pagpapaalala niya sa akin.


Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Sinamahan naman ako ni Angge, ang assistant namin ni Lisa, para mag bihis.


"May date po kayo, Madam?" tanong niya.


"Wala, kasama ko lang yung best friend ko. Tsaka diba sabi ko sayo, Ate nalang! Dalawang taon kana sa amin, hindi ka parin sanay." sabi ko sa kanya.


"Sige po, Ate! Mag-ingat po kayo." sabi niya sa akin.


Nagtatrabaho ako sa Santiago Media and Publishing Incorporated. Isa akong model at gumaganap din bilang artista minsan. May position din ako sa publishing department, kung saan ako nagsimula. Mahilig kasi ako sa mga magazine, magazine na yan pero hindi ko naman talaga pinangarap na maging modelo. Nag-vvlog din ako, for fun o tuwing wala lang akong ginagawa. Mahiyain kasi ako dati at kulang sa confidence.



Entering showbiz world takes a lot of guts and confidence, right? Pero ito na ako ngayon, isa sa mga sikat at kilala na model, ngunit kahit ganun, nagtatrabaho parin ako sa publishing department tuwing free lang ako para makatulong. Best friend ko rin kasi ang anak ng owner ng company na ito. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at sa pamilya niya dahil sila ang tumulong sa akin at nagbigay ng opportunity para abutin ang lahat ng mga ito.



"Mag-ingat ka rin." sabi ko sa kanya nang makatapos ako magbihis.



Nagpalaam narin ako ka agad kay Lisa. Angge is 2 years younger than me and Lisa is 3 years older than me. Kagaya ko, nagtatrabaho rin si Lisa sa company na ito bilang isa sa mga publishing director and Bry's assistant. Si Bry yung best friend ko na anak ng owner ng kompanya. Ang sabi ni Bry, si Lisa raw ang perfect na tao na makakatulong sa akin at sa career ko, hindi nga naman siya nagkamali. Hindi ko nakamit kung ano at sino ako ngayon kung hindi dahil sa tulong ni Lisa, at kahit medyo masungit siya minsan, I'm still grateful for her.



Bago ko pinaandar ang kotse ay tinext ko muna si Cia na siya na ang mag-order para sakto na pagdating ko ay meron na. Hindi naman kasi kalayuan sa location ko ang location ng restaurant na napili niya.

Summer LoveWhere stories live. Discover now