Chapter 48

45 0 0
                                    




Dead






"Bry, bry! Please, let's talk"





Kanina ko pa siya kinakatok sa kwarto niya pero hindi niya ako sinasagot. Pinakuha ko na rin sa mga kasambahay ang spare keys pero dahil sa taranta ay hindi rin nila mahanap. Natatakot ako sa kung anong puwedeng gawin ni Bry. Natatakot din ako sa kung anong kaya kong gawin para lang hindi siya mapahamak. That's how much I owe and care for him. Kung hindi dahil sa tulong niya ay wala ako dito. 


"Bry please, please naman" sabi ko, nagmamakaawa na.





Ni hindi ko na nga magawang umiyak para sa amin ni Jace dahil kanina pa ako nanenerbyos at natatakot sa maaring mangyari kay Bry. Nawala rin ang pagiging tipsy ko dahil sa mga nangyari.
Nang makarinig ako nang ingay at mukhang may nabasag na naman ay mas lalo akong kinabahan. Sa wakas ay dumating na rin ang mga katulong at bitbit ang susi. Agad ko silang inutusan na bumbaba para hindi na sila madamay sa galit ni Bry. 


Nanginginig ako habang binubuksan ko ang pinto. Laglag ang mga panga ko nang makitang hawak-hawak niya ang basag na baso at tinututok na niya sa sarili niya.




"Bry" tawag ko, nanginginig na.



"Huwag kang lalapit" sabi niya at umaatras.



"Bry, paki baba yan please" sabi ko.




"Bakit kapa nandito? Napipilitan ka lang naman diba? Ginagawa mo lang naman to dahil guilty ka! Dahil guilty ka sa nangyari, pwes huwag kang mag—alala! Hindi ko kailangan nang awa mo!" he shouted at me.




"Bry, please! Ibaba mo yan, let's talk" I said.





"Anong sasabihin mo ha? Na mahal na mahal mo si Jace? Kahit alam ko naman yun, naniwala pa rin ako sa sinabi mo kahapon eh! Akala ko finally magkakaroon na ako ng chance sa puso mo" he said.




"Bry! Nandito naman ako. Hindi pa ba sapat yun?" I asked.





"Eh ako, hindi ba ako sapat?" he asked.




"Bry, let's talk. Bitiwan mo muna yan" I said.





"Kung hindi ka man lang magiging akin, Lorraine mas mabuti nang mamatay na lang ako" he said.





"No!" sigaw ko. "No, please no" pagmamakaawa ko.




"I'm tired or being not good enough, Lorraine. Pinupuri lang naman ako ni dad dahil gusto niya akong ipagmayabang sa harap ng iba, pero everytime na nagkakamali ako parang wala na akong ginawang tama o maganda. Hindi ako sapat, sa kanya, sa kumpanya at lalong-lalo na sayo!" he said.






"Hindi ganun, Bry" sabi ko at dahan-dahan nang lumalapit sa kanya, "You're enough, you're more than enough" I added.





Summer LoveWhere stories live. Discover now