Chapter 33

27 0 0
                                    






Like





''Sige, kunwari hindi kayo halata diyan."








Napairap ako pagkabalik ko sa loob. Nagkukunwari silang lahat na may ginagawa pero ang totoo naman ay lahat sila nakadungaw kanina sa bintana para tignan kami ni Jace. Nakita ko iyon pero hindi ko lang pinansin dahil nag-iisip ako kanina.








''Excited lang kami sa comeback'' sabi ni Cia.








''Walang ganun'' sabi ko na ikinasakit din nitong puso ko.











Natahimik kaming lahat. Bago pa may makapagsalita ulit ay tumunog ang phone ko kaya umalis ulit ako para sagutin iyon. Si Bry ang tumatawag. At first, I thought it was someone else! Pero mali ako. Teka nga, bakit naman ako tatawagan nun? Hindi ko nga alam number niya at sigurado akong hindi niya rin alam yung akin.














[Merry Christmas, Miss] bungad niya. I rolled my eyes and laughed a bit.








''Merry Christmas, Bry! Paki sabi kay tito'' sabi ko.








[Sa inyo rin diyan.] sabi niya. [I have a gift for you, bibigay ko pag nakabalik kana dito] he added. Napatingin ako sa regalo ni Jace na hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin pala. Excited na akong buksan kaya gusto ko nang matapos ang call.











''Talaga? Salamat! Meron din ako para sayo. Sige, see you.'' sabi ko.








[Are you in a hurry?] he asked. Naguilty tuloy ako na parang wala akong ganang kausapin siya.








''Ah hindi naman'' sabi ko.








Hindi ko na lang din binaba ang tawag dahil baka sabihin niya ayaw ko siyang kausapin. Mabuti na lang at mukhang tinawag siya kaya siya na mismo ang unang tumapos ng tawag. I immediately opened his gift for me. Nagawa ko pang kunan ng picture bago ko ito buksan.








Napahawak ako sa bibig ko nang makita ang isang gold bar na bracelet na may pangalan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko! Wala raw meaning to pero mukhang mahal ito at halatang sadyang pinagawa.






Sige, Lorraine. Umasa ka.






Naalala ko yung mga regalo niya sa akin noon, lahat espesyal. Maliit o malaki mang bagay, special lahat yun dahil galing sa kanya. Hindi ko tinapon yun, pero matagal ko rin hindi nakita dahil pati iyon ay iniiwasan ko.





Habang sinuot ko ang bracelet sa aking kamay ay tumulo ang lintek na luha ko! Imbes na maging masaya ako dahil mukhang unting-unti na magiging okay ang lahat. Pero hindi eh, nasasaktan ako dahil alam kong umaasa ako kahit mali. Masaya na si Jace! Okay na siya, guguluhin ko na naman ba?





"Besh?" pumasok si Cia sa loob ng kwarto.




Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Hinarap ko siya nang nakangiti pero alam kong hindi tumalab iyon sa kanya. Lumapit siya sa akin at yinakap ako kaya mas lalong tumulo ang mga luha ko.




"Shh, besh! Punta tayo sa resort. Pa hangin lang" aya niya na pumayag naman ako.






Inayos ko ang sarili ko bago bumaba. Nagpalit kami ng shorts para mas kumportable ang galaw namin. I know they can tell what I'm feeling right now through my eyes. Ngunit hindi sila nagsalita nang mag-paalam kami na lalabas ni Cia.





Summer LoveWhere stories live. Discover now