Chapter 41

33 0 0
                                    



Kiss marks





''Ay hala, nakatulog pala ako''





Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kanya. Dahan-dahan akong umayos nang upo pero ang kamay niya ay naka-akbay pa rin sa akin. Hindi ko na inalis dahil minsan lang to noh, baka hindi na maulit pa kaya hayaan na muna natin. Napansin ko na ang tagal naming makauwi, mauuna ba kami sa condo niya? Paniguradong hindi, hindi naman siguro siya papayag na ako lang mag-isa umuwi. Feeling special ka naman masyado, Lorraine.




''Are you okay now?'' he asked.




''I'm fine'' sagot ko at nagawa ko pang ngumiti.



''You want to eat?'' he asked.



Hindi na ako nag dalawang isip at tumango na lang. Bukod sa gusto ko siyang makasama, nagugutom na rin ako. Wala na akong gana na magluto pa sa condo. Nang huminto ang taxi at bumaba kami, laking gulat ko kung nasaan kami.



''Nasa food park tayo!'' sigaw ko.



''Yes, love'' sagot niya.



Kunwari wala akong narinig dahil hindi ko naman alam kung anong i-rereact ko. Hinila niya na lang ako papunta doon. It's a good thing that we're both wearing hoodie and masks, marami pa namang tao, baka may makakilala sa amin at ma-issue na naman. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang hinihila ako. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kilig.



''Barbecue pa rin ba?'' he asked.



''Yeah'' I said.




He ordered for the both of us. Habang nag-oorder siya, nakahawak pa rin siya sa aking mga kamay. Hindi holding hands ah? Nakahawak lang. Mahigpit pa nga eh, yung tipong natatakot siya na mawala ako. Nang makuha niya ang order ay nahihirapan siya kasi nakahawak pa siya sa kamay ko.



''Bitawan mo kaya muna ang kamay ko?'' I said.



''Ayoko, baka mawala ka na naman!'' natahimik ako sa sinabi niya.

Summer LoveWhere stories live. Discover now