Chapter 9

67 8 16
                                        




In Love






"Gising na! Gising na." sigaw niya.








Nagising nalang ako bigla dahil sa mga sigaw ni Cia sa kwarto ko. Walang choice at walang gana akong tumayo mula sa kama at sinamaan siya ng tingin dahil ginising niya ako, inaantok pa naman ako. Dinampot ko ang selpon ko at tinignan ang oras, alas otso ng umaga pa lang at nag bubulabog ang isang to.




"Anong trip mo, ang aga aga ah?" tanong ko sa kanya habang nag-tetext kay Jace.






To: Jace Dela Rosa

Good morning!





Malapad ang ngisi ko habang tinetext yun dahil naalala ko ang tweet niya ka gabi.






"Maligo kana bilis, may pupuntahan tayo" she said.





"Saan naman?" I asked.






"Basta, surprise lang!" sabi niya.





"Surprise mo mukha mo, saan nga?" pagpupumilit ko.





"Basta nga! Mag-ayos ka na kasi." sabi niya.




Inirapan ko siya at pumasok sa banyo para maligo na. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng shorts at tsaka yung jersey na pinatahi namin noong nakaraang laro ni kuya.





"Perfect yang damit mo!" sabi niya. "Matchy tayo" dagdag niya sabay palakpak.






Tinignan ko ang damit niya at pareho nga kami. Hinila niya ka agad ako pababa at dumeretso sa hapag para maka almusal na. Si Lola at Louis lang ang nandoon, kumakain.





"Kumain na kayo" sabi ni Lola.








Ang bilis bilis ni Cia kumain habang ako naman ay uyaya. Pinapagalitan niya nga ako dahil uyaya raw ako at baka ma late na kami sa pupuntahan namin. Hindi ko alam kung anong meron pero parang linya ko naman talaga yun dahil siya naman tong laging uyaya sa aming dalawa.






"Bakit ang uyaya mo? Bilisan mo nga" naiirita niyang sabi.




"Anong minamadali mo? May date ka?" I asked her.






"Wala! Basta bilisan mo na" sabi niya ulit habang may tinetext sa phone niya.








Pagktapos naming kumain ay tumungo kami sa park at dumeretso sa gym. Nasa malayo palang kami ngunit nakakarinig na ako ng ingay mula sa loob. Siguro may bagong crush tong si Cia na naglalaro kaya niya ako yinaya at nagmamadali pa siya. Sakto rin naman ang damit ko para sa ganap ngayon. Nang palapit na kami ay bigla kong naalala na hindi ko pa pala na text si Jace. Sa sobrang pagmamadali ni Cia ay nakalimutan ko na nandito pala sila ni PJ sa Laguna.






"Sana pala yinaya natin sila Jace" sabi ko habang nagtetext kay Jace.






To: Jace Dela Rosa

Nasa basketball court kami, gusto niyong sumunod sa amin?





"Hindi naman nila kailangan sumunod" sabi niya.








Summer LoveWhere stories live. Discover now