Chapter 13

63 9 17
                                        




Escort







"May naisip ka na ba para sa project natin?"





Nasa classroom kami ngayon ni Cia at breaktime na namin. Hindi na kami lumabas pa dahil ang hassle lang. Umiling ako sa kanya at hindi na siya sinagot. Wala parin akong maisip na project dahil nga hindi naman siguro talaga ako ganun ka galing. Kahit anong bagay pa yan.





Simula ng gabing sinabi ko kay Jace na in love rin ako sa kanya ay hindi na namin pinag-usapan iyon. Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon o ano, basta ang importante ay na amin ko na sa sarili ko. Naging busy narin kami pagkatapos nun, dahil sa mga ginagawa sa school lalo na siya.



Ilang buwan narin ang nakalipas at ganun pa rin kami sa isa't-isa. Hindi namin minamadali pero hindi rin namin tinatago yung nararamdaman namin. Hindi ko alam kung alam ba ng iba pero minsan kasi may nakikita akong nakatingin sa akin, pero wala naman akong pakaealam dahil hindi naman nila ako inaaway o ano. Nagkikita lang din kami ni Jace tuwing tapos na ang klase namin o kaya naman ay tuwing may break kami.



"Ay besh! Malapit na debut mo!" pag-papaalala niya.







Oo nga pala, September na ngayon at sa November na ang birthday ko. Matagal na namin pinagusapan sa bahay noon na kailangan namin paghandaan ito dahil ito ang gusto ng pamilya ko, yung mga relatives ko. Kahit din naman ako gusto kong ipaghanda ito dahil minsan lang itong mangyari sa buhay ko.





Magkasunod lang kami ni Cia ng buwan, December siya. Kung sa aming dalawa ay mas gusto niya yung mga party party kesa sa pormal na party. Ako naman ay balance lang, gusto ko ng party at gusto ko rin yung pormal na party. Kahit ano, basta kasama ang buong pamilya at ang mga malalapit sa akin.




"Oo nga no, nakalimutan ko na nga" sabi ko.




Sa sobrang bilis kasi ng panahon ay hindi ko na namamalayan kung anong petsa na ba o ano. Isinara ni Cia ang notebook niya at pinaharap ako sa kanya.





"Kailangan na nating pag-usapan yan!" sabi niya. "Maghanap kana ng mga 18 churvaness mo sa lahat, at ang cotillion naman, ako na bahala mag pa prac-" pinatigil ko siya sa kakasalita dahil ang ingay niya.







"Mamaya nalang natin pag-usapan yan, magtanong muna tayo kela Mama kung ano bang naiisip nilang plano, okay?" sabi ko.




She rolled her eyes but still nodded afterwards. Kumain kami ng lunch dito lang din sa canteen dahil ayaw na namin lumabas dahil sa lawak ng campus na to, mala-late ka talaga. Kinukulit parin ako ni Cia tungkol sa debut, hindi ko naman siya mapipigilan na magsalita kaya hinayaan ko lang siya.



May dumaan sa harap namin na apat na babae, sila yung mga kaklase kong nakakabwisit. Pakiramdam ko ay gusto nila si Jace at naiingit sila sa akin. Feelingera na kung feelingera, eh iyon ang vibes na pinaparating nila sa akin eh. Bumalik lang din kami pagkatapos nun sa classroom at hindi na ulit lumabas hanggang sa matapos ang klase. May training ngayon ang mga sports kaya naman manunuod kami, bilang kasali si Jace at tsaka si PJ sa football.




Tumungo kami doon at umupo sa bleachers sa tabi ng bag ni Jace. Nang magtama ang tingin namin ay lumaki ka agad ang ngiti niya at tinapik niya si PJ para lumapit sila sa amin. Hindi siya nakipagbeso o kaya yumakap sa akin dahil basa ang pawis niya, imbes ay nakatayo lang siya at ayaw lumapit sa akin.






"So, pinapunta mo ako dito tapos hindi ka lalapit?" tanong ko na naka taas ang kilay.





"Baka kasi ma turn off ka raw, hindi pa naman kasi kayo" natatawang sabi ni PJ na umupo sa tabi ni Cia.




Summer LoveWhere stories live. Discover now