Chapter 49

35 0 0
                                        





Goodbye







''Susunod ako, take care''








Bry said. May meeting siya kaya hindi ko na siya pinasama. Noong una ay nagpumilit pa siya dahil hindi raw ako makakapagmaneho sa estado ko ngayon, mabuti na lang at bumalik si Abel kaya siya ang magmamaneho ng kotse ko ngayon. Ipapakuha niya na lang daw sa driver niya yung kotse niya dito sa building.











''I love you'' Bry said and kissed my forehead.











Ngumiti lang ako at hindi sumagot. Nasa front seat ako habang si Angge ay nasa likod. Tulala ako buong biyahe, hindi makapaniwala sa balita at sa sinabi ni Cia. Habang palapit na papalapit kami sa hospital ay mas lalo akong kinakabahan. Medyo madilim na rin dahil sa traffic Bumibilis at lumalakas ang pintig ng puso ko.








Tanaw ko na ang hospital at tanaw ko rin ang mga media na nasa labas. Ano to? Wala na bang nakakaintindi ng privacy na tinatawag? Nag-park si Abel sa harap mismo ng hospital. Pagkababa ko pa lang ay sinalubong na ako nang mga tanong at flash. Pinagitnaan ako ni Abel at Angge. Mabuti na lang at mahigpit ang sekyurity kaya hindi sila nakapasok sa loob.








Ang sabi ng nurse ay nasa emergency room pa raw sila kaya doon kami dumeretso. Naabutan ko ang mga kaibigan, ang pamilya ni Jace, at ang kapatid ko na umiiyak at nagwawala. Nakayakap si Louis kay Cia. Naunang nagtama ang tingin namin ni Jace, nasa sahig siya at nakahandusay, katabi niya si Emily. His eyes were bloodshot, punong-puno ng sakit, galit, lungkot. Parang hiniwa ang dibdib ko dahil sa itsura niya. Umiwas siya nang tingin sa akin at yumuko. Napatingin ang iba sa akin, lumapit sa akin si Cynthia at yinakap ako.





Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit papalapit sa kung nasaan si Jesse. Tito Jake was hugging their mom. Si Jeco naman ay naka talikod at ang ate nila ay nakayuko lang din. Nang nasa tapat ko na ang katawan na tinabunan ng puting kumot ay nanginginig ako. Dahan-dahan ko itong binuksan at nang makita ang mukha ni Jesse ay humikbi ako. Naghina ulit at mga tuhod ko, salamat na lang sa supporta ni Abel at Cynthia.



"Hindi to totoo" umiiling at humihikbi ako.


Ilang minuto ako doon nag break down. I can't believe this. Kahapon lang kami nagkausap! Nang medyo kumalma ako ay pinaupo nila ako sa isang upuan at inabutan ako ni Jace ng tubig. Agad akong bumaling sa kapatid ko pero tumayo siya at umalis. Sinundan siya ni Cia. Tinanong ni Abel si PJ kung ano ang nangyari, tulala ako pero naririnig ko naman.





May Leukemia raw si Jesse. Matagal na raw yun pero senekreto lang dahil ayaw ng pamilya ipagsabi at lalong-lalo na ni Jesse. Kaya pala parang may mali sa buhok niya, akala ko ay mali lang ang pag-gupit nun. Last night daw ay okay pa siya at kanina, nanunuod lang daw sila ng movie ni Jace at Louis sa mansyon tapos bigla na nga lang hindi nagising. Noong dinala na rito ay dead on arrival na. Biglaan at hindi inaasahan.








Nasa sahig lamang si Jace, bumalik siya doon pagkatapos niya ako bigyan ng tubig kanina. Nakayuko siya at nakasandal sa kanyang mga tuhod. Gusto ko siyang yakapin pero parang wala naman akong karapatan.  Ayokong bigyan siya nang dahilan para umasa ulit. Masakit na nga to ang nangyari sa kanya kaya hindi ko na dadadagdagan pa. Mukhang hindi rin siya handang pagusapan o kausapin ako kaya hindi ko na lang muna pipilitin.











Summer LoveWhere stories live. Discover now