Friendship
''Natagalan ka yata?''
Bry said when I went back. Hindi ko na hinantay si Jace dahil baka kung ano pa ang isipin nila. Umupo ako at sinabing may mga naka linya doon kaya ganun. Bumalik din si Jace na pagkatapos at umakto na parang hindi kami nagkasalubong doon kanina.
''Saan pupunta pagkatapos nito?'' I asked.
''Dela Rosa's'' Bry answered.
Nabigla ako doon pero hindi ko pinahalata. I tried to catch-up of what they were talking about, business doon, business dito. Inaantok ako dahil nagpuyat kagabi kaya mabuti na lang at nag desisyon tong dalawang matanda na umalis na kami.
Sabay-sabay kaming nagsuot ng shades ni Jace at tito Jake. Binuksan nang mga kanya-kanyang driver nila ang kanilang sasakyan at inalalayan ang mga boss nila. May dalang kotse si Bry kaya naman ay hindi na niya ako sinamahan.
''See you there'' he said before driving his car away.
Hinintay kong makaalis si tito B at tsaka si Bry bago ako pumasok sa kotse ko. Nagulat ako nang biglang may kumatok mula sa bintana ko. I opened my window and raised my brows at Jace.
''Ano yun?'' I asked.
''You know how to get there? I can dr-'' Alam ko na kung ano ang sasabihin niya kaya naman ay inunahan ko siya.
''Alam ko, thanks'' I faked a smiled.
Tumango naman siya at unting-unti nang tumayo. Mabilis kong minaneho ang kotse ko paalis dun. Yung tipong nagmamadali akong lumayo sa kanya kahit alam ko naman talaga na magkikita pa rin kami doon sa kanila.
Nang matanaw ko ang building nila ay bigla akong kinabahan. Memories flashed back at me. Yung mga panahon na dinadala niya ako rito, yung mga isang beses na nagkasalubong namin yung mommy niya pero agad akong lumabas at iba pa.
Speaking of her mom, nandito kaya iyon? Ano kaya ang magiging reaksyon na kapag nakita niya ako? I mean, kahit naman na nasaktan ako noon sa mga sinabi niya at lahat-lahat, naiintindihan ko pa rin kung saan siya nangagaling.
Pagkababa ko ay kakarating lang ni Jace pero nagawa niya pang sumabay sa akin papasok sa loob. He held the door for me and I didn't say anything. Hindi pa rin nagbago ang lugar, pero parang bago sa akin dahil matagal na akong hindi nakakapasok dito. Nakita ka agad namin sina Bry at sila tito na nakatayo at para bang hinihintay kami.
Nararamdaman ko ang mga tingin ng mga tao sa gawi ko. Maybe they recognized me or something. I flashed a smile on my face, para kahit kanino pa ako iharap ay nakangiti na ako.
''Let's go to my wife's office'' tito Jake said.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Lumapit si Jace sa akin at may ibinulong.
''Mom's not here, don't worry'' he said.
Napatingin ako sa paligid na nakatingin sa aming dalawa. Umayos naman siya nang tayo pagkatapos niyang ibulong iyon. Bumaling sa amin si Bry at binigyan ko lang siya nang ngiti.

YOU ARE READING
Summer Love
Teen FictionLorraine Isabelle Reyes is a simple girl living a simple life. Meeting the famous and rich, Jacob Andrew Dela Rosa will change her life. Is she willing to accept the unexpected changes in her simple life? If yes, until when? Started: December 8, 202...