Chapter 47

57 18 12
                                    

Chapter 47

Nakayuko akong nakatingin sa pagkain ko, hindi ko man lang ito nagalaw kahit isang piraso. Ang utak ko ay lumilipad sa kawalan ng mundo. Nawawala na ako sa sarili ko.

"Yumi!" Napamulat nalang ako nang tapikin ako ni Zel.

"Di ba masarap ang pagkain? Lulutuan kita ng iba," nag aalala niyang tanong pero umiling lamang ako at binalik ang atensyon sa pagkain.

Marahang tinusok-tusok pero di kinain. Tumayo na lamang ako, napatingin sa akin si Zel.

"Busog na ako, uuna lang ako sa kwarto."

Di ko na hinintay ang tugon niya at agad naglakad papunta doon. Alam kong nagtataka at nag aalala siya pero di ko pwedeng sabihin sa kanya ang nasaksihan ko dahil alam kong di siya magdadalawang isip na sabunutan si Violette.

Pero nagbago ang isip ko nang kulitin niya ako nang kulitin.

"Yumi, ano ngang nangyari? Bakit broken ka? I mean broken ka nga dahil kay Xionus pero feeling ko may ibang dahilan pa eh. So ano yun? Spill the beans!" Iniyugyog niya pa ako at dahil sa inis, nasabi ko ang di dapat sabihin.

"Naghalikan si Xionus at Violette. Ayan okay na? Mas lalo akong nadedepress dahil sayo eh," di ko mapigilang singhag.

She froze with what I said. In a snap, she became a statue.

"T-totoo? As in?"

Tumango ako. "Kailangan ko pa bang picturan ang ginawa nilang laplapan sa lumang building upang maniwala ka?" I averted my eyes, namumuo na naman ang mga luha sa mata ko.

"Oh my god! Akala ko magkakaayos kayo agad pero bakit lumala!" Tumayo siya at nagpaikot-ikot sa buong kwarto.

"Wag ka nang bumalik dun, wag na wag! Dito ka na lang tumira o di kaya ay hahanapan kita ng sarili mong apartment. Wag na wag kang makipagbalikan sa gagong yun! Akala ko pa naman di siya kasing gago ng iniisip ko pero mali pala yun!" Hinihingal na sya sa haba ng kanyang sinabi.

"Umupo ka nga nahihilo ako sayo. At tsaka plano ko naman talagang di bumalik dun kaya nga bumili nalang ako ng apartment diba," naiinis kong tugon, agad naman siyang umupo sa tabi ko. Napabuntong hininga nalang ako.

"You're okay right? Please don't do that again, Yumi. No, not that one." Nagtataka ko naman siyang tinignan. Di ko alam kung anong pinagsasabi ng babaeng to.

"Huh?" She's fidgeting her fingers na parang buang.

"Wag kang magpakamatay ulit!" sinapak ko naman siya.

"Kailan ba ako nagpakamatay, mahal ko ang buhay ko." I stood up.

"What? If I remember it clearly muntik ka nang—"

"—I won't do it," pagpuputol ko.

"Really?" Bahagya akong natigilan sa tanong pero mas pinili ko nalang ang di tumugon.

Yeah, I won't.

Di ko alam kailan matatapos ang kirot na to sa aking puso. Gustong-gusto kong kunin ang aking puso mula sa aking dibdib at patigilin ito sa pagtibok upang di na ito masaktan pa.

"Matulog na tayo," sabi ko, kita ko sa kanyang mga mata ang di pagsang ayon at pag aalala pero naglakad na ako papunta sa higaan, humiga at nagtalukbong ng kumot.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang magbuntong-hininga.

I closed my eyes, wishing that I could forget the pain I've been through for the meantime. But they won't let me have peace, suddenly harsh memories of my past flows like a flashback. I'm in the middle of these memories and I can't help but to curl my body like a fetus.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon