Chapter 38

81 19 7
                                    

Chapter 38

Yumi's POV

Mapapaos na ako kakasigaw. Napakahigpit ng hawak ko kay Xionus parang anytime susuka na ako. Di ko alam kung anong nasa isip niya. Mas madali kaming mamamatay dahil dito!

Napapikit ako nang mariin nang mapagtanto na malapit na kami sa lupa.

"Ahhh!" napasigaw nalang ako nang bigla kaming tumalbog.

Tumalbog?

Napamulat naman ako at bumungad sakin ang nakangising mukha ni Xionus.

"I told you to trust me," he said.

Agad ko naman siyang hinampas sa dibdib. Nangingilid ang mga luha ko, ngayon ko lang ulit naranasan ang matakot nang ganun.

"Leave," he commanded the people surrounding us, patuloy ko pa din siyang pinaghahampas pero di siya nagpatinag. Nang mawala na sila ay agad niya kong niyakap at dahil dito napatigil ako sa paghampas sa kanya.

We were currently lying on top of the trampoline. We decided to stay like this for a while.

"Don't be scared. I'm glad, I'm not late yet." sabi niya, he hugged me. I can't contain my sobs kaya napahikbi nalang ako.

I felt ticklish when he suddenly sniff my neck. Agad akong naconcious sa sarili ko.

"Stop! Stop sniffing me, amoy pawis ako." bahagyang namula ang pisngi ko.

Pinahiran ko din ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko at agad lumayo.

"Don't worry. You still smell good," he said with a smile. It somewhat caressed my heart.

"Bakit mo sila pinaalis?" nagtataka kong tanong. I slightly pushed him.

"You're the only one who saw my soft side and I have something to tell," he said sabay yakap na naman sakin.

Napangiti nalang ako sabay himas sa buhok niya. Para siyang asong di mawalay sa amo nya. It's cute.

"Ano yun?"

"Remember the question you asked me?"

"What question?"

"What are you in my life? The question that's left unanswered." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Bahagya akong napalunok dahil kinabahan ako sa sasabihin niya.

"Y-your answer is?"

"You're my girlfriend, Yumi. That's your role in my life."

Napatanga nalang ako. Hanggang ngayon di pa rin pumapasok sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw na ito tapos sasabihin niya ito. It feels surreal.

Nagsimulang mangilid ang luha ko dahil sa sagot niya. Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. I can't say anything, my mind went blank.

He caressed my hair. "I'm sorry for what happened today," he whispered beneath his breath.

Umiling lang ako. Ilang beses ko nang naranasan na nasa bingit ng kamatayan ang aking buhay pero iba to, ibang level na ito.

"Yumi, I'm trying to not put your life in danger but I failed." Kita ko ang pagkuyom ng kamay niya at pagtulo ng dugo dito.

He wiped the tears coming from my eye.

"I want to go home." I softly said. Doon ko lang napagtanto na nakakapagod pala ang umiyak nang umiyak.

He suddenly winced when I stood up. Napatingin naman ako sa braso nya. Agad akong dumalo sa kanya habang pinapagalitan ang sarili ko kung bakit di ko agad siya nilubayan.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon