Chapter 22

111 26 10
                                    

Chapter 22

A deafening silence filled the room when we heard a knock on the door. Pareho naming habol ang aming hininga habang nakatitig sa mata ng isa't isa.

And that me back into reality. I could feel the heat rushing to my face. I hurriedly cover it.

Oh my god. What did I just do?

"You okay?" He asked.

Parang wala lang sa kanya yung nangyari pero para sa akin isang malaking katangahan ito.

Naging marupok ba naman ako.

"I-I'll get the door." I hurriedly get out of his sight.

Napahawak nalang ako sa dibdib habang hinihingal. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso na para bang nagkarerahan sa loob ko. My stomach also felt ticklish. I can't understand what I'm feeling.

I looked at the door. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko ito buksan.

"Sino po... sila." Pahina nang pahina ang boses ko nang mapagtanto na wala namang tao na nag-aantay sa labas.

Natigilan ako nang makita ang isang box na nasa harapan ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ito o hindi pero sa huli ay kinuha ko ito. Niyugyog ko pa ito nagbabakasakaling malaman ang laman at dahil sa pagyugyog ko may isang note na nahulog.

Nagtataka ko itong kinuha at nang tinignan ang nakasulat ay agad nanlaki ang aking mga mata. May marka ito. At ang markang ito ay nakita ko din sa likod ng death threat na natanggap ko kanina.

Akala ko wala lang to noong una pero ikalawang beses na ito. Ano ba ang nangyayari?

Nanginginig man ang aking mga kamay dahan dahan kong binuksan ang kahon, at sumalubong sakin ang isang daliring putol na puno ng dugo. Agad kong nabitawan ang box dahilan para gumawa ito ng ingay.

"Yumi! Who is it?" Sigaw nya dahilan para kabahan ako na baka malaman nya ito.

Ayokong malaman niya dahil alam kong pag nalaman niya ito ay agad syang susugod ng walang pakundangan at ayokong malagay ang buhay niya kapahamakan.

"No one!" sigaw ko pabalik para di na siya mag alala.

Agad kong pinulot ang box kahit na nandidiri at nanginginig ang kamay ko sa takot. Naghanap ako nang isang lugar na sigurado akong di nya mapapansin, sa loob ng kwarto ko.

"Yumi!" mas lalo akong nataranta nang bigla ulit nya akong tawagin. Takot na baka pumunta siya at mabisto ako.

"N-Nariyan na!" tugon ko.

Bat umabot sa ganito? Sino ang may pakana neto? Ang mga fans kaya ni Xionus? Posible kasi minsan na din nila akong awayin. Pero bakit? Si Xionus na naman ba ang dahilan?

"You're so pale. What happened? Sino yung nagdoorbell?" I snapped into reality when he asked me.

I'm trying my best to stop my hands from shaking. Kapag nakita niya ito alam kong mas lalo siyang mag aalala.

"A-Ah wala. N-Nangpraprank lang siguro." tinignan nya ko ng mariin dahilan para mapalunok ako ng laway.

"Why do people keep bothering the lives of other people." reklamo niya.

"Yeah. Di ko din alam."

Muling pumasok sa isip ko ang ginawa namin kanina dahilan para pamulahan ulit ako ng mukha. Damn, we just kissed. Not just a smack but really kiss.

"You're so red. Are you really fine? Kanina ka pa di mapakali."

He motioned his hand unto my forehead at wala sa sarili ko itong naiwakli. The slap sound echoed across the room. I didn't glance at him and just stood up.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon