Chapter 34

89 16 29
                                    

Chapter 34

"Alam kong gwapo ako but could you stop staring at me, baka sa isang iglap bangkay na ako," Trevor said.

Napabuntong hininga nalang ako sabay binaling ang tingin sa iba. Agad namang bumalik sa akin ang mga problemang aking kinakaharap.

These past few days nalilito na ako sa mga aksiyon ni Xionus. Pagkarating niya sa bahay dederetso nalang sya sa pagtulog at ilang beses na din niyang nakalimutang kumain.

Akala niya hindi ko napapansin pero kada gabi, umaalis sya, di ko alam kung saan sya pumupunta but it made me overthink.

Saan siya pupunta? Sa bar? Mambabae?

He would left me with a kiss on the forehead when I'm asleep. At saktong pag sarado nya sa pintuan ay ang pagtulo ng aking mga luha.

Bakit ayaw niyang sabihin sa akin? I just want to know para di na ako mag alala. Para akong ignoranteng mang-mang na walang alam sa pinaggagawa ng jowa nya—jowa nga ba talaga?

Hanggang ngayon di ko pa rin ramdam. Wala pa din siyang sinasabi. The question was left unanswered.

Kinaumagahan nagising ako na mugto ang aking mga mata. Saktong pagtungo ko sa cr ay ang pagbukas ni Xionus sa pinto at napaiwas nalang ako ng tingin sabay patuloy sa paglalakad.

"Yumi—" di na niya natapos ang sasabihin niya nang padabog kong sinarado ang pinto ng cr. Agad nangilid ang luha ko at di ko napigilan ang pagtulo nito.

Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang hapdi na nito. Kailan pa ba ako titigil sa pag iyak?

Nang matapos akong maligo bumungad sa akin ang nakahigang katawan ni Xionus. Nag iwas nalang ako ng tingin at agad na naghanda ng pagkain.

Bat di ka pa sanay? Palagi namang ganyan, di na yan bago para sayo.

Napabuntong hininga nalang ako. That set up lasted for weeks minsan gusto ko nalang manatili sa school at doon matulog para di na ako umiyak nang umiyak. Ang sakit lang kasi isipin na may pinalit agad na kabit ang tinuturing mong boyfriend.

"Yums! Naparito ka?" agad nangilid ang luha ko nang marinig ang boses ni Zel.

Agad niya akong niyakap nang makita akong papaiyak at doon na ako napahikbi.

"Di ko na kaya, ang sakit sakit na," I said between my sobs.

"Hoy anyare!" inalo nya ako sa pamamagitan ng paghagod sa likod ko. "Let's talk inside."

Agad nya naman akong iginayak sa loob at tumango naman ako. Nagtungo kami sa kwarto nya at umupo naman ako sa higaan nya.

"Milk or Coffee?" she asked.

"Kahit ano nalang," mahina kong saad at tumango naman sya sabay labas para kunin ang gusto ko.

I can't help but let my eyes roam around her room. Parang ang tagal ko na ding di nakapasok dito and I do miss this. Girl's night out.

"Oh," sabi niya sabay lahad sa akin ng gatas. "Para makatulog ka."

"What happened?" tanong niya nang makaupo siya sa tabi ko.

Inangat ko ang dalawang paa ko at saka niyakap ito. Ramdam ko na naman ang pangingilid ng luha ko.

"He changed," mahinang sabi ko.

"Anong change? Yung kay duterte ba yan change is coming?" nakuha pa niyang tumawa but she stopped nang makitang tahimik lang ako.

Tumikhim naman siya. "Sorry." saka siya tumahimik. Napabuntong hininga nalang ako, nanatiling nasa sahig ang paningin ko.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon