Chapter 24

119 26 28
                                    

Chapter 24

"Xionus, saan na yung presentation natin?" tanong ng isang kaklase ko kay Xionus.

Nakapalumbaba lang ako sa upuan ko at walang ibang magawa kundi ang makinig sa ingay ng mga tao.

"Here." Rinig kong sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako before I buried my face on my desk.

It's been a month since that night.

Things are now settled or so I hope. In a month we've been avoiding each other pero ang hirap nun lalo na't nasa iisang klase lamang kami.

But there are no interactions at all. I don't know what should I feel. Should I feel happy kasi di niya ako kinukulit or devastated because that night really lingers in my mind and continued breaking my heart.

Isang buwan din akong nasasaktan sakanila.

Avianna and Xionus are together.

Gusto ko mang umiyak pero desisyon ko din to, ang lumayo. Kahit gaano kasakit titiisin, kahit gaano ko kagustong yakapin siyang muli, pipigilan ko ang sarili ko dahil kagustuhan ko ito.

Parang ang bilis naman ata nya akong palitan—wait palitan? Never namang naging kami, ako lang siguro ang nag assume na may feelings din siya para sa akin.

Sa isang buwan na wala na ako sa puder ni Xionus, wala nakong natatanggap na threats at humupa nadin ang mga chismis tungkol sakin.

Palagi akong sumasabay kina Khael at Zel ngunit parang di pa rin sila okay.

"What happened to the both of you?" nagtataka kong tanong.

Sa isang buwan kong kakasama sakanila ngayon lang ako nagtanong, gusto ko kasing sila ang mag open up pero di naman yun nangyari.

"Nothing." "Wala." sabay nilang tugon.

"Really?" I said in a sarcastic tone.

I scrutinize their faces to investigate them at pareho silang nag iwas ng tingin. There's something fishy about these two. Mas lalo tuloy akong nacurious kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa.

Khael continued to flirt—I mean care with me, nawala na yung awkwardness between us and I think that's good.

I know they were worried about me pero mas pinili nilang manahimik. Ilang beses nila akong sinubukang paiyakin pero wala, for a month I didn't shed any tears. They were afraid, I know kahit ako natatakot para sa sarili ko.

Bumuntong hininga nalang ako at tumigil na sa kakatitig sa kanila. Gusto ko nang magtampo kay Zel kasi wala naman siyang sinasabi sakin. Feeling ko nga nilalayuan niya ako, may ginawa ba akong mali?

The lunch ended with an awkward atmosphere nang dahil sa pagkaka-ilangan nilang dalawa habang ako tamang kain lang, walang pake sa nangyayari sa mundo at sa kanilang dalawa.

Agad akong nagtungo sa room ko kahit ayaw ko. Bakit ba kasi magkaclassmate kami ni Xionus? And worst, nasa likod ko pa talaga siya. Kada uupo ako sa upuan ko, nakakaramdam ako nang lamig sa may batok ko. Ramdam na ramdam ko ang malamig nyang titig and it really gives me goosebumps sa totoo lang.

I wanted to think that he was just looking in front, that his attention is on the prof but I could always feel his glances on me.

I wanted to tell him to stop staring but half of me wants to let him continue staring at me, kasi umaasa pa ako na may pake pa sya sakin, na namiss din niya ako.

Assuming lang talaga ako.

As the lunch break ends, the class started. I force myself to listen kahit napakaboring ng discussion. Para di lang mapansin ang likod ko and I succeeded.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon