Chapter 06

206 49 57
                                    

Chapter 06

It's already lunch time and half of the day pero pagod na pagod na ako. All the time naprapraning na ako at ni isang lecture ng prof walang pumasok sa isip ko.

But as time pass by wala namang nangpraprank maliban kaninang umaga at wala namang nangthrethreat ng buhay ko, maliban nalang sa death glares ng mga fan girls ni goon kuno.

Napabuntong hininga lang ako habang nakapalumbabang nakatitig sa pagkaing nasa harap ko.

"It's the 100th time you sighed, Yums," sabi ni Zel sabay paikot ng kanyang mata.

Magkasama kami ngayon sa cafeteria dahil maaga silang pinalabas ng prof nila, first time ata na maagang nagpadismis ang prof nila.

"You're just exaggerating," walang gana kong sabi.

"Why don't you just eat your food, pinaghihintay mo ang grasya, baka takbuhan ka." Napatingin ako sa kanya.

"Di naman ako ganun ka sutil na bata para parusahan ako ng ganito." Tukoy ko sa mga nangyayari, parang sumpa ang mga nagdaang araw at isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit, si Xionus.

Simula nung muntik nang nanakaw ang cellphone ko at ang biglaang pagdating ni Xionus. Nang dahil sa kanya nagkadaleche-leche na ang buhay ko. Ang tahimik kong buhay ay biglang nagulo.

Kung iisipin ay hindi naman ganito ang buhay ko nung wala siya. I'm contented with my life, I'm happy to have only Zel as my one and only friend at walang pake sa sasabihin ng iba. I'm just a ghost in this school kahit malalaki ang grades ko di pa din naman ako sikat not until that goon entered the picture.

I've always heard my name, not in the humors but in the honors, but look at now parang hinuhunting na ako ng mga tao dahil sa pag aakala nilang hinalikan ko ang prince charming nilang goon. Sa totoo lang parang ako nga ang nahaharass eh.

I wanted to clear my name, but how? Alam ko namang di ako papaniwalan nila, they have this judgmental mindset at di ko mababago ang tingin nila sa akin.

I think every people are like that even me or everyone, some are just in denial. We sometimes look at their physical appearances or rumors about them, di natin yan maipagkakaila just like how I called him a goon.

"What if totohanin mo yung issue?"

"What!?"

"Just kidding," she chuckled. "Ang sarap mong asarin."

"Yeah, yeah. The reason kung bakit ayaw akong tantanan ng goon na yun." I rolled my eyes when I remembered what he said.

"Hmm? Bagay kayo." I look at her with disbelief.

"Stop spouting nonsense, Zel." Tumawa lang siya.

"Really. Bagay kayo."

"That's the second time I heard that." Napabuga nalang ako ng hangin.

"Oh? Who's the first then?"

"Trevor."

"Gwapo ba?" Sumiksik pa siya sakin. Inirapan ko lang siya.

"He's good."

"Oh my god! Ipakilala mo naman ako!" Tinusok-tusok ko ang pagkain na nasa harapan ko.

"Yeah," I nonchalantly said.

"Don't mind it, Yums. Just eat," sabi niya sabay tapik sa aking balikat na parang makakatulong itong solusyonan ang problema ko.

Kumain nalang ako ng tahimik para naman di ako gutomin sa gitna ng klase.

"I'm fine," I said as I catch her staring at me.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon