Chapter 46
I woke up when I heard the annoying voice of my best friend waking me up.
"Nakakarindi ang boses mo," I groaned.
Humalakhak lang siya sa sinabi ko at walang pasabing lumabas sa kwarto. I checked the time and it's only six o'clock in the morning at eight o'clock pa ang klase namin, ano bang nakain ng bruhang to at bakit ang agang-aga nambubulabog ng tulog.
I headed to the bathroom kasi wala naman akong ibang choice kundi maligo na dahil gising na gising na ang diwa ko. Napakalakas ng boses ni Zel na para bang nasa kabilang bukid ako kung makasigaw.
Ilang minuto akong nakatanga sa harap ng shower. Papasok ako sa school ngayon, makakayanan ko kayang makita siya?
"Yumi! Bat ang tagal mo! Nalunod ka na ba jan!" sabi niya kasabay ng marahas na pagkatok sa pinto. Napadilat naman ako, nakalimutan ko na nagshashampoo ako kaya napa-aray nalang ako nang may bula na pumasok sa mata ko.
"Bwisit!" rinig ko ang halakhak ni Zel sa labas nang dahil sa naging reaksyon ko.
Nagmadali akong maligo at magbihis. Nang makalabas ako nakita ko siyang nasa kitchen. Sinamaan ko siya ng tingin at sumandal sa counter ng kitchen nila. She's cooking our breakfast right now.
"Breakfast?" aya niya, kinuha ko nalang ang sandwich na binigay nya at kinain ito.
"Bakit ang aga mo? And you're even cooking breakfast right now. This not the Zel I know, ibalik niyo ang totoong Zel," I exaggeratedly said, tumawa lamang siya. This event is so rare ako ang kadalasang gumigising sa kanya.
"Just because. I felt like it." Kibit balikat niya. Ang ganda siguro ng tulog ng isang to, buti pa siya.
After eating we immediately head to school. At dahil maaga pa nung makarating kami, naglibot libot muna kami at isa pa ayokong dumeritso agad sa room baka sumama bigla ang araw ko.
"Yumi!" rinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napapikit ako nang mapagtanto kung kaninong boses yun. Walang pasabi akong tumakbo papalayo at iniwan si Zel na naguguluhan.
I don't want to see and talk to him right now. The wound in my heart is still fresh at dudugo muli ito kung makita o makausap ko lamang siya.
"Aray."
Napahawak nalang ako sa balikat ko nang mabangga ako ng isang lalaki, na naging dahilan din kung bakit nasa sahig ako nakasalampak ngayon.
"Yumi, are you okay?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig at nang mag angat ako ng tingin, ang nag aalalang mukha ni Khael ang bumungad sakin.
"I'm fine." Akmang tatayo ako nang mapatigil ako dahil sa isang tubig na tumulo dahilan para mabasa ang lupang tinitignan ko. I touched my eyes and there is a liquid that keeps falling from there.
"Yumi." I heard him call pero di ko ito nilingon. Tinitigan lang ako ni Khael at biglang nag-iba ang mukha nya nang mapagtanto kung bat umiiyak ako ngayon.
Nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni Khael.
"I told you, you'll just get hurt if you go with him."
Bigla ko namang naalala ang sinabi niya sa akin noon. That I should be careful with Xionus because he is dangerous. I thought it would only threaten my life, he didn't tell me that he is also grievous for my heart.
Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko. Akala ko ubos na, akala ko tapos na ako sa pag iyak, pero hindi pa pala.
"Let's go." Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tinulungan niya akong tumayo.
BINABASA MO ANG
Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)
AcciónBook 1 Yumi an ordinary girl but as she encounters Xionus on an unpredictable accident her life drastically changes. Life is always a mess and you are a warrior of your own life. The real problem is how would she solve this mess life has given to he...