Chapter 43

73 17 12
                                    

Chapter 43

"The bitch and her dogs." Rinig kong sabi ni Zel. Avi is with Aleah, Dixie, and Medae, so she's like the leader of them.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Dapat love your kauri kasi, kaya ganon. Napatawa nalang ako sa utak ko, baka mapagkamalan akong may sakit sa utak kapag bigla-bigla nalang akong tumawa kahit wala namang nakakatawa.

They are standing in front of us looking us up and down then smirked.

"Ano bang meron sayo? Nabulag ata si Xionus o malandi ka lang talagang higad ka. Mas bagay si Avi at Xionus!" sabi niya pa sa akin. I also look at her up and down at tsaka tumawa. Aleah just stared at us in confusion.

"Kahit naman di ako ang pinili nya, di ka pa rin naman nya pipiliin." She looked so pissed with what I said.

"And why is that?" she retorted.

"Gusto niya kasi yung tao, di yung taga-ibang planeta."

Agad namang tumawa ng malakas si Zel. Hinampas-hampas niya pa ako gusto ko sanang magreklamo pero natatawa din ako sa mukha ng kaharap ko na parang sasabog na kahit ano mang oras.

"Wag mong masyadong pikunin Yums, baka kagatin ka niyan." Muli namang napahalakhak si Zel. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at papahid pahid pa sa luha niya. I just maintained my poker face while they were glaring at us.

"Shut up you whore! Akala mo di ko din kayo nakikita ni Khael? First, it was Yumi who seduces Khael and now you? Hah! Same birds flock together." She smirked after she said that.

Natawa lang kaming dalawa ni Zel. Ah kaya pala magkasama sila. She's just pertaining to themselves.

"Why are you laughing?" Avi glared at us kaya tumigil na din kami kakatawa. Kawawa naman baka umiyak sila

"Bakit parang napipi ata yang mga katabi mo." I also glanced at them at oo nga ang tahimik nga nila ngayon.

"Tss." asik niya saka tumalikod na samin. Nagtataka naming tinignan ni Zel ang isa't isa. Anong nangyari dun?

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko at ni Zel. I looked up and saw Xionus with a serious face. Kaya pala natahimik sila.

"Are you okay?" Xionus asked.

Tumango naman ako at ngumiti. "We're fine."

Inilibot ko ang aking paningin at dito lang napansin na pinagkakaguluhan kami ng mga tao. Ngayon lang ako tinamaan ng kahiyaan.

"Uhm, una na kami, kita nalang tayo sa room." I pertained their private room as I immediately pulled Zel out of the crowd.

Naglakad nalang kami papunta sa cashier upang magbayad pagkatapos naming magkuha ng bibilhin.

"Yumi! Zel!" Sabay kaming napalingon nang may biglang may tumawag sa pangalan namin. I was taken aback when I saw Khael coming running to our direction.

Bahagya akong napatingin kay Zel upang malaman ang reaksyon niya pero nakangiti niya lang na kinawayan si Khael. I looked back to Khael, nakangiti din siyang kumaway pabalik. I smell something fishy about these two.

Di ko maiwasang bahagyang mailang nang tuluyan nang makalapit si Khael samin. Zel nudge me sabay pout, I awkwardly smile at Khael pero bigla nalang niya akong inakbayan muntik pakong matumba.

Nag-ngitian lang silang dalawa na parang wala ako sa tabi nila. I slightly pat Khael's shoulder indicating that he should get off me. Naintindihan naman niya kaya bahagya din siyang lumayo.

"So, kumusta na?" nakapamulsa niyang tanong.

"Fine." "Bored."

Nilingon ko naman si Zel dahil sa sagot nya. Pero parang di man lang niya ako napansin kasi nakatutok lang siya kay Khael. Halatang inlababo.

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon