Chapter 07

191 48 18
                                    

Chapter 07

Sa wakas weekend na din. It's been a hell week, a literal hell for me.

Ilang araw na pero di pa din humuhupa ang nasabing issue. Araw-araw ata akong natutuliro, baka may harina na naman, baka may balde na nang tubig ang mahulog sa taas, baka batuhin ako ng itlog, ganyan ang mga iniisip ko. Sasabog na ata ang utak ko kakaisip kung kailan pa huhupa ang isyung ito.

Ilang araw na ding hindi ko nakikita si Xionus. Simula nung nagleak ang picture naming dalawa, di ko na siya nakitang muli, nawala na lang siya na parang bula. Panalangin ko na sana di na siya bumalik pa para hindi na magulo ang buhay ko.

Nagtratrabaho ako ngayon sa coffee shop para naman magkaroon ako ng kahit kakaunting ipon para sa sarili ko.

I can't just depend on the money my tito gave me, kailangan ko ding magsumikap para maghanap ng sariling pera.

Ilang minuto nalang matatapos na ang shift ko. Di naman nagkulang sa binigay na pera si tito pero plano kong maging independent. Ulilang bata nako at kapag mawawala ang suporta ng tito ko paano na ako? Mamamatay sa gutom? Kaya kailangan kong sanayin ang sarili kong magsumikap para maghanap ng pera.

"Yumi tapos na yung shift mo," sabi ng katrabaho kong si Mae.

"Thank you," sabi ko bago pumunta sa locker namin.

"Una na ako Mae," paalam ko sa katrabaho ko bago lumabas sa coffee shop.

"Ingat!" pahabol niyang sigaw.

Napagpasyahan kong maglalakad nalang papuntang bahay namin, ang taas ng linya ng jeep at mukhang kaya ko namang maglakad kahit pagod na ako.

Habang tumatagal ang paglalakad ko nagsimula na akong makaramdam ng hilo. Para na akong lasing na naglalakad sa gitna ng kalsada. I looked around, hoping there is a person who could help me but I see no one.

My knees are trembling. Hinawakan ko ang ulo ko at tumigil sa paglalakad. Hoping that this would stop the dizziness.

Kahit nahihilo pinilit ko pa ring aninagin kung nasaan na ako. Ang alam ko lang ay nasa gitna ako ng madilim ng kalsada, di ko na maaalala saan banda yung bahay namin. Unti-unti nang nangingitim ang paningin ko pero pinilit ko pa ring maglakad.

Pilit akong nanlaban pero di ko talaga kinaya.

Please, not now.

Pero sa kasamaang palad, nangyari nga ang kinatatakutan ko. Bigla nalang nandilim ang paningin ko at di ko na kinaya, nawalan nga ako ng malay.

.

I woke up seeing the sun creeping up in my windows. I winced when the sunlight hits my eyes.

Panaginip lang ba yun?

Napakusot ako sa aking mata at napatingin sa oras. Hapon na ako nagising. Himala walang sumalubong na sermon sakin but I was wrong.

"Oh gising na ang mahal na prinsesa!" napalingon ako sa nagsalita, si tita.

Akala ko makakalusot ako sa araw nato pero hindi pala. Ang dami nang kontrabida sa buhay ko sumali pa siya.

"Halata naman," pabulong kong sabi ayokong lakasan baka kasi matalo niya pa si Eminem sa pagrap.

"Bumaba ka na, nakakahiya naman sa nobyo mo, siya din naghatid sayo kagabi, naglasing ka ba!? Hindi ka naman nangangamoy alak kagabi pero tulog na tulog ka! Maghanda ka na pinag-antay mo pa sya, di ka naman maganda!" Nagmadali naman akong pumasok sa banyo at agad naligo.

So di pala yun panaginip. Lupa kainin mo ko ngayon na!

Nobyo? Kailan pako nagkaroon ng nobyo!

Runaway From The Labyrinth (Run Away Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon